"NGAYON na tayo uuwi, 'di ba?" Tanong ni Raiven sa amin. Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan rito sa lodge.
Ngayon na nga kami uuwi, mami-miss ko talaga ang lugar na 'to. Ang dami ko palang ala-ala rito. Isa na roon ang...
Biglaan na lamang akong napangiti nang maalala ko sa sinabi sa akin ni Dawson kagabi. Isa na sa mga ala-ala ko ang pag-amin ko kay Dawson sa aking nararamdaman para sa kanya.
"Ma'am, ang saya niyo po ngayon, ah? Anong ganap?" Tanong pa ni Raiven sa akin. Ngumiti rin ito.
"Wala naman, may naaalala lang ako," nakangiti kong usal saka ko sinulyapan si Dawson sa aking giliran. Nakayuko lamang ito sa pagkain.
Nagtataka naman ako kung bakit ganoon ang hitsura niya. Para bang ayaw niyang magsalita at ayaw niya ring tumingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin rito saka ko pinagtuonan ng pansin ang aking pagkain. Agad ko iyong tinapos saka rin ako bumalik sa aming kuwarto upang mag-impake. 12:00 PM ang time check out ng mga guests, tapos 1:00 PM naman ang time check in kaya minamadali ko na lamang ang aking pagliligpit.
Nagitla na lamang ako sa biglaang pagbukae ng pintuan. Lumabas ang lahat ng lamig ng aircon dahil sa lawak ng pagkabuksa ni Dawson niyon. Pumasok rin ang sinag ng araw rito sa loob.
"Isarado mo nga 'yan," saad ko rito at muling ipinagpatuloy ang aking pagliligpit.
Mabilis nitong sinarado ang pintuan saka rin ito sumandal roon. Nag-angat ako ng tingin rito, kawawa ang mukha nito ngayon na nakatingin sa akin.
Kinunutan ko ito ng noo. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ang hitsura mo ngayon? Mukha kang pechay na nalalanta," may halong biro kong saad saka bahagya pang kumawala ng pagtawa.
"Hun, I'm so sorry..." Mas lalo pang nangunot ang aking noo sa biglaang pagsambit niya niyon.
Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa akin kaya sinundan ko lamang ito ng tingin.
"Bakit? Ano naman ang ginawa mo?" 'Di ko mapigilang tanong.
"I swear, hindi ko naman kasalan na sumayaw ng sexy dance sa harapan mo. It was Julius' fault. I just want to impressed you that why I asked for his help..." Nangunot namaan ang aking noo.
Kuya Julius?...
Mahina akong natawa nang may pumasok sa aking isipan. "So nagpatuloy ka kay kuya Julius diyan sa mga kalokohan mo para lang ma-impres ako?" Parang bata itong sumimangot sabay tango.
Lumapit ito sa akin at pumwesto sa aking likuran. Binigyan niya ako ng mahigpit na yakap at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. "I'm sorry, that's just a curse. I would never do that again. I swear in my entire life," anito at mukhang nanunumpa pa.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...