Kabanata 16

1.3K 42 4
                                    


PABAGSAK akong napaupo sa upang rito sa salas at kaagad kong ipinatong ang aking mga paa sa ibabaw ng maliit na mesa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PABAGSAK akong napaupo sa upang rito sa salas at kaagad kong ipinatong ang aking mga paa sa ibabaw ng maliit na mesa. Kakarating lang namin ngayon galing sa water park. Tapos na kaming magbihis, nagbihis kami roon sa water park doon na rin kami kumain ng hapunan. Alas-sais na nang makauwi kami kaya ngayon nama'y kailangan na naming maghanda ng almusal para sa tanghalian mamaya.

"Salamat naman at dumating na tayo. Gusto kong matulog ng maaga," pagod na usal ni kuya Julius at mabilis na tinapon ang sarili sa single couch. Sumandal pa ito sa upuan at mabilis na nagunat-unat.

"Maghahanda muna tayo sa tanghalian. Gutom na gutom na ako," pagrereklamo nung iba kaya tumayo ako eksakto ring umupo sina Clyden at ang ama nito.

"Where are you going?" Usal ng ama nito habang nakatingin sa akin. Nginuso ko 'yung daan patungong kusina.

Tutulungan ko muna 'yung mga kasambahay na magluto ng pagkain. "Tutulungan ko muna 'yung mga kasambahay para naman mabilis lang matapos 'yung pagluluto," mahinahon kong paliwanag rito at mabilis akong naglakad upang tunguhin ang kusina.

Iniwan ko muna ang mag-ama roon sa upuan at hinayaan itong magpahinga. Sa katunayan ay masayang-masaya ako ngayon. Pakiramdam ko ay nalalapit na 'yung loob ko sa ama nung bata. Nalalapit na rin 'yung loob ko sa bata.

"May maitutulong ba ako?" Bungad ko sa mga kasambahay nang makarating ako sa kusina.

Napalingon sila sa akin habang may kanya-kanya itong ginagawa. "Wala na po, ma'am. Naalala ko po kasi na sabado pala ngayon kaya iyong meat steak 'yung lulutuin namin." Bahagyang napakunot ang aking noo. Bakit ngayon ko lang 'yon nalaman? May schedule na pala 'yung mga karne?

"Ah, s-sige po. Tawagin niyo na lang po ako kung kailangan niyo ng tulong," nakangiti kong usal saka rin ako bumalik sa salas. Umupo ako sa tabi ng bata at sumandal ako sa upuan.

Arg! Sumasakit 'yung likuran ko. Pakiramdam ko tumatanda na ako.

Napaungol ako nang sumakit ang aking likuran. Pakiramdam ko ay inaapakan ito ng isang higante dahil sa sakit nito. Parang bali-bali na 'yung buto ko sa matinding sakit.

"Mom, are you okay?"

Hindi ko napansin na iba na pala ang ekspresyon ng aking mukha. Iyong mukhang nakaramdam ng sakit. Masakit naman talaga eh.

"O-okay lang ako, medyo masakit lang 'yung likuran ko." Hinawakan ko ang aking baywang at agad kong inunat ang aking sarili upang pigilan ang pananakit nito.

"Mommy, are you gonna die?" Napangiwi naman ako.

"Ako? Mamatay? Hindi naman." Bakit niya ba 'yon naisip? Hindi naman ako mamatay. Kakaunting sakit lang 'to. Hindi naman 'to seryoso at lalong-lalo na hindi rin ito aabot sa puso. Malayo sa ata.

Pretending His Baby's MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon