"MOMMY, where are you going?" Iyan kaagad ang tanong na bumungad sa akin nang makababa ako ng hagdanan. Suot ko ang pinapabile kong uniporme at bag kay kuya Julius kahapon.
"Sa paaralan," masaya kong sagot.
"You're going back to school?" Tumango-tango naman ako.
"Tara na sa dining room, baka hinihintay na tayo roon," saad ko pa rito saka ko rin hinawakan ang braso nito saka sabay kaming pumanhik sa dining room.
Lahat sila ay napatingin sa amin nang makapasok kami sa pintuan. Iyong iba ay bumagsak ang pang nang makita nila kami.
"What are you wearing?" Tanong pa ni Dawson nang makaupo ako sa upuan.
"Uniform," maikli kong sagot at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa aking pinggan.
"Seriously? Are you going back to kindergarten or perhaps you are the other version of Dora?" Umirap naman ako. "Stop rolling your eyes, young lady," seryoso nitong saad kaya ang lahat ay napatingin sa akin.
"Grabe naman 'yan, ah? Wala naman akong gina---"
"Ehem..." Tumigil ako sa pagsasalita nang tumikhim si Mr. Dawson. Tumaas ang kilay ko rito. "One more thing, with that hair..." Turo nito ang buhok ko. "Be formal, okay? Why are you wearing two buns in your head? That is an adult school and not some school for cosplay!" Medyo tumaas pa ang boses nito. Napahilot na lamang ito sa kanyang noo.
Bumuntong-hininga ako. "Edi magbibi---" natigilan ako nang masalubong ko ang matalim nitong mga mata. "Okay, magbibihis na ako," sagot ko habang pinipigilan ang sariling magalit.
"M-ma'am, hehehe... Tama po ma'am, m-magbihis ka na lang po. N-nagmumukha po kasi kayong bata, hehehe," saad nito kaya mahina rin akong natawa.
"Tsk, take that bag away and change it with a handbag. Wear a formal attire, and change that hairstyle. It's irritating." Nakita kong namula ang tainga nito nang umiwas ito ng tingin sa akin.
"Daddy, mommy is cute with that hairstyle," sabat naman ni Clyden habang subo-subo ang pagkain.
Ngumiti naman ako kay Clyden. "Talaga?" Tumango-tango naman ito. O, hindi nagsisinungaling ang mga bata.
"Baby, your mom is an adult, okay? Don't let her embarrass herself in front of everyone at school," saad nito sa anak sabay tingin sa akin. "Don't make fun of yourself." Seryoso lang ang mukha nito at ininom ang kanyang kape.
Napanguso naman ako. "Daddy, look. Mommy looks cuter," masayang saad ni Clyden at tinuro ako kaya sinulyapan ko si Mr. Dawson. Ngumisi naman ito pero alam kong ako lang ang nakapansin nun.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...