"ANO BA?! Ang dumi-dumi ng bahay, isang araw lang akong hindi nakausi tapos hindi niyo pa nalilinis ng maayos 'tong bahay? Ang rurumi niyo maglinis! Ang kalat-kalat pa rin!" Inis na sigaw ni ma'am Lhorraine sa mga kasambahay.
Kanina pa talaga ang babaeng 'to, eh. Kung hindi ko lang siya amo siguro matagal ko na siyang sinampal at kinaladkad papalabas ng pamamahay na 'to. Kanina pa niya kami pinapagalitan, kakarating nga lang namin dito sa mansion tapos ito na siya, nagsisimula nang manermon sa amin. Nandiyan pa naman 'yung bata.
"Mommy, calm down..." Sabat ni Clyden at hinawakan ang kamay ng kanyang ina ppero iwinakli niya ito.
"No, Clyden, they need to learn how to clean properly!" Nasapo ko na lamang ang aking noo.
"Hmp! Kung tinuruan mo na lang sana kaming maglinis, nagmamagaling ka, eh.." Inis na bulong ni Raiven kaya palihim ko itong kinurot. Tahimik na nakikinig kay ma'am Lhorraine ang lahat ng mga kasambahay habang ito nama'y walang katapusan ang panenermon.
"Pasensiya na po, ma'am," paghingi ko ng paumanhin.
Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip ito. "Excuse me? Hindi ba dapat nasa kusina ka?" May pagkamasungit nitong usal kaya naman napayuko na lamang ako.
Nakayuko akong naglakad patungo sa kusina, hindi ko namalayang sumunod pala sa akin si Raiven at Gaudia. Mukhang problemado ang dalawa nanang lingunin ko ang mga ito. Ano naman kaya ang meron?
"O, bakit ganyan kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Si ma'am kasi, eh," anang Raiven. Napabuga na lamanag ako ng hangin at hinawakan ang kamay nito.
"Pabayaan niyo na si ma'am, stress lang siguro siya."
"Hindi siya stress, ganyan lang talaga ang ugali niya," walang pagaalinlangang sabad ni Gaudia.
"Eh, hindi naman talaga kasi ganyan ang ugali ni ma'am Lhorraine, eh!" Halatang naiinis na si Raiven. Kinamot-kamot niya ang kanyang noo habang hindi na maipinta ang mukha nito. Sumandal ako sa pintuan ng ref habang nakikinig sa kanila.
"Dahil hindi naman talaga siya si ma'am Lhorraine."
Napaayos ako ng tayo nang sabihin iyon ni Gaudia. Napatakip ito sa kanyang bibig at umiwas ng tingin sa amin. "Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot-noo kong tanong.
"W-wala," kinakabahan niyang sagot. Halata naman talaga sa mukha niya na kinkabahan siya, nauutal pa nga siya.
"Umamin ka nga sa amin, may tinatago ka ba tungkol kay ma'am?" Anang Raiven at pinagkrus ang mga braso.
"W-wala nga..."
Hindi ako kumbinsido sa mga sinasabi nito. Kahit na pilit niya pa itong itanggi ay nagsasabi ng totoo ang kanyang mga mata. Halatang may tinatago siya tungkol kay ma'am Lhorraine. Nababahala talaga ako sa sagot nito sa amin, eh, ayaw niya man lang makikipagtitigan.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...