NANG mapadpad sa office ni Ms. Or Mrs. Marsha sina Noreen ay hindi kami nagsimula ng klase. Matagal-tagal rin sila roon sa loob. Sigurado akong pinagalitan sila ni Ma'am. Sino ba namang hindi magagalit sa nangyari? Saktong-sakto na sa gitna ng mukha ni ma'am tumama 'yung eraser ng blackboard. Madumi pa naman 'yon. Bakas na bakas ang galit at inis sa mukha ni ma'am na tila ba'y isa itong bulkan na gusto nang sumabog.
Mabuti na lang at hindi kami pinagalitan. Malamang, hindi naman kami ang tumira nung eraser sa mukha ni Ma'am. Isa pa, alam kong aksidente ang lahat ng 'yon.
"Bakla, banyo muna ako, ah? Ihing-ihi na ako eh," paalam ni Sandy sa 'kin at agad na lumabas ng room upang pumunta sa banyo. Nasa labas ang banyo namin, hindi nila linagyan ng banyo rito sa loob. Ewan ko kung ano ang dahilan eh, ang laki-laki naman kaya ng room na 'to.
Gusto pa ata nung gumawa ng building na 'to na pahirapan ang mga estudyante. Paano na lang kaya kung may natatae na. Alangan namang tatakbo pa sila palabas ng room para lang tumae? Tsk, mali 'yon.
"Ehem..."
Naagaw ng aking atensyon ang mahinang pagtikhim na 'yon. Mabilis kong nilingon ang pinaggalingan niyon at roon ko nakita 'yung lalaking nakaupo sa gilid ng parte. Siya 'yung lalaki na nag-angat ng gilid ng labi sa aking gawi. Nakakakilabot kaya 'yon. Nakakatakot pa.
"Hi," deretsong bungad nito kaya nagtataka ko itong tinignan.
"Hi?" Ngumiti ito at agad na umupo sa pwesto ni bakla. Malapit ako sa bintana at katabi ko naman si Sandy. "May kailangan ka ba?" Nagtataka pa rin ako rito.
Nang makaupo ito ay agad itong tumingin sa akin. Nakakaloka ang lalaking 'to. Nakakatakot. Nakakakilabot! Ewan ko na lang talaga, baka masapak ko pa ito.
"Anong kailangan mo?" Umiling-iling ito at kalmang sumandal sa upuan.
"Wala naman. Wala namang masama kung uupo ako rito, hindi ba?" Nakakaloko itong ngumisi kaya nanliit ang aking mga mata.
Hindi ko na lamang ito pinansin at umupo na lamang ako ng maayos sa aking upuan habang naghihintay kung kailan darating si Sandy.
Tahimik na tahimik ang aming lugar. Meron namang naguusap ngunit hindi ito gaano ka lakas.
Teka nga, nasaan na ba ang baklang iyon? Mag-iisang oras na siya roon sa banyo. Hindi pa siya nakabalik? Ano ba kasi ang iniihi niya? Bato? Mahirap ilabas dahil malaki? Hindi naman kaya'y tumatae 'yon? Kung gano'n? Ano naman ang tinatae niya? Pako?
Napabuntong-hininga na lamang ako sa aking iniisip. Nagulat at nanigas ako nang maramdaman ko ang kamay na nakahawak sa aking hita. Dumadagan pataas ang kamay na iyon kaya lumakas ang kabog ng aking dibdib.
Mabilis kong dinukot ang kamay na iyon at walang pagaalinalangan ko itong sinapak sa mukha gamit ang isa kong kamay. Mabilis kong hinila ang suot nitong kurbata patayo. Mabuti na lang at magkasintangkad lang kami kaya hindi mahirap patayuin ang lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...