KAKATAPOS lang namin maglaro ng iilang laro. Ngayon nama'y kakain muna kami bago nila simulan ang gay pageant. Ang gay pageant ang inaabangan ko sa lahat. Gusto kong makita ang galing ng mga Oslobanon. Gusto kong makita ang husay ng mga kandidato.
Katabi ko ngayon sina ma'am na naghihintay kung uunti ang mga taong nakapila upang kumuha ng mga pagkain. Nang umunti ang mga tao ay tumayo si ma'am Bedegraine. Bago pa man ito humakbang papalapit sa mesa na may mga pagkain ay lumingon ito sa gawi ni boss.
"Ano ba ang gusto mong kainin?" Tanong ni ma'am rito at inayos pa ang kanyang damit.
"You..."
Tahimik akong napahagikhik sa sagot ni boss. Napatakip ako sa aking bibig habang pinipigilang kumawala ng tawa. Alam kong nasa katinuan ito pero gusto niya atang mapansin ni ma'am kung gaano niya ito ka gusto.
Nangunot ang noo ni ma'am. "Anong gusto mong pagkain kako, hindi naman ako pagkain," inosente nitong sagot. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang na inosente si ma'am o totoong wala talaga itong alam sa ibig sabihin ni boss.
"Food choice? Peeled Bedegraine on plate," anito kaya hindi ko na mapigilang mapahalakhak.
Peeled Bedegraine on plate?! Ampvta! Minatay nga gi atay!...
"Ewan ko na nga lang sa 'yo. Ako na lang bahala sa kakainin mo, basta huwag kang magreklamo kung hindi mo magugustohan ang pipiliin kong pagkain ah?"
Matamis na ngumisi si boss rito. "I'll eat anything you'll give. I can even eat you too."
Walang pagtigil ako sa aking paghagikhik. Ramdam ko ang panginginit ng aking mga mata. Alam kong napaluha na ako sa sobrang pagtawa. Natatawa lang ako sa mga sinasabi ni boss, natatawa rin ako sa reaksyon ni ma'am Bedegraine sa binitawang mga salita ni boss. Pulang-pula ang dalawang pisngi nito habang pinipigilan ang sariling matawa o mapangiti. Mabuti na lang at kami lang 'yung narito.
Walang ano-anung tumalikod si ma'am saka nagmartsa papalapit sa mahabang mesa na may mga pagkain.
Nang mapansin kong lumayo-layo na si ma'am ay unti-unti ko ring iniusog ang aking inuupuan sa tabi ni boss saka ko it mahinang kinalabit.
"Boss, ano nga gusto niyong kainin?" Pang-aasar ko rito at napahawak pa ako sa aking baba at kunwari ay nagiisip ng kasagutan. "Ah... Si ma'am Bedegraine pala?" Sagot ko rin saka humalkahak kaya binatukan niya ako.
"Piss off," masungit nitong usal sa akin at masama niya akong tinitigan.
Hindi pa rin ako tumigil sa aking paghalakhak. "Grabe ka rin sir, ano? Unti-unti ka rin talagang natuto, pero hindi ko naman sinabi sa 'yo na magmukha kang manyak diyan. Mukhang ako pa 'yung nagkasala dahil ako 'yung nagtuturo sa 'yo kung ano ang gagawin para mapaibig si ma'am."
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...