Kabanata 49

906 40 4
                                    

GUMISING ako nang namamaga ang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GUMISING ako nang namamaga ang mga mata. Hindi ko na siya kinausap no'ng nag-away kami kagabi. Parang masyado akong disappointed sa kanya.

Patay 'yung ilaw sa buong paligid. Inabot ko 'yung cellphone upang tinignan ang oras. Alas-sinco na ng umaga. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaiyak at kakaisip. Nawalan ako ng ganang tumayo at lumabas ng silid.

Bumuga ako ng hangin at inihilig ang likod sa headboard ng higaan. Naisipan kong mag-iwan ng minsahe kay Sandy dahil alam kong sobra na ang pagaalala niyon. Matapos kong mag-iwan ng minsahe ay muli akong bumalik sa paghiga at pinatay ang cellphone.

Hindi ko ipinikit ang aking mga mata at nanatiling nakatitig ako sa kisame nang maisipan kong maligo muna at magbihis.

Tumayo ako at mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Ibinabad ko ng pang matagalan ang aking sarili sa tubig bago pa man ako umayos sa pagligo at lumabas matapos magbihis.

Sinuklay ko lamang ang aking buhok saka rin ako lumabas ng silid at dumeretso sa ibaba.

"Magandang umaga po, ma'am," bati sa akin ng kasambahay.

"M-magandang umaga."

Nakayuko lamang ako habang naglalakad. Ayaw kong makita nila ang sobrang maga kong mukha. Baka kung ano pa ang sasabihin nila sa akin. Baka sasabihin pa nila sa akin na ang drama ko.

"Good morning, mommy."

Saglit kong sinulyapan si Clyden. Lumapit ako rito saka umupo sa kanyang tabi.

"Good morning," bati ko nang makaupo ako.

"Mommy, what happened to your eyes?" Tumingin ako kay Clyden. Pinilit kong gawing maayos ang aking hitsura.

"B-bakit? Anong meron sa mga mata ko?" Kunwari'y taka kong tanong at hinawakan ang mata.

"Is it swollen?" Kumunot ang noo nito. "You look like Chinese," anito kaya pinilit ko na lamang ang sariling tumawa at gawing biro ang sinabi nito.

"Talaga? Baka may lahi talaga akong Chinese," pagbibiro ko rito kaya napanguso naman ito saka sumubo ng ulam.

Patuloy lamang ako sa aking pagtawa upang pagaanin ang aming sitwasyon ngayon.

"Are you crying again, mom?" Napahinto ako sa aking pagtawa nang magtanong ito.

Hindi agad ako nakaimik ngunit ginawaran ko ito ng matamis na ngiti na nagpapahiwatig na okay lang ako.

"No, okay lang ako."

"I don't believe you." Ngumuso ito pagkatapos niyon.

"Okay nga lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

Pretending His Baby's MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon