Espesyal na Kabanata

1.5K 63 5
                                    

NAKAUPO ako sa sofa habang katabi ko naman si Clyden na yakap-yakap ang malaki kong tiyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKAUPO ako sa sofa habang katabi ko naman si Clyden na yakap-yakap ang malaki kong tiyan. Kasalukuyan kaming nanunuod ng pilikula rito sa salas kasama ang iba pang mga kasambahay na tapos na sa kanilang mga ginagawang gawaing bahay. Narito rin sina Sandy at Noreen, nakikigala lang raw dahil wala silang gagawin sa bahay.

"Nasaan ba daddy mo, Clyden?" Usal ko rito habang haplos-haplos ang buhok nito.

"In the car, ma," anito habang nakatuon sa pilikula ang paningin.

Iba talaga 'yung pakiramdam ko eh. Masyadong iba 'yung pakiramdam ko. Simula nang mabuntis ako ang sobrang init ng ulo ko t'wing makikita ko si Dawson. Hindi ko maiintindihan 'yung init ng ulo ko na para bang ayaw ko siyang makita. Ayaw kong makita ang kanyang mukha at parang nasusuka ako t'wing nakikita ko siya kaya siya na mismo ang umiiwas sa akin t'wing sasabihin ko iyon.

Sa ngayon nama'y gumagaan na 'yung pakiramdam ko. Sa pagkakaalam ko manganganak ako this week kaya hinahanda ko na rin ang sarili ko. Mahirap na rin, baka biglaan lang akong manganganak.

"Hun, do you want to eat something? Maybe I can buy it for you?" Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Dawson.

Madungis ang damit nito at may hawak pa itong interior ng gulong roon sa kamay.

Mahina akong natawa. "Saan ka galing? Bakit ang dumi ng damit mo?" Natatawa kong tanong.

"Inayos ko lang 'yung gulong. It's flat."

Himala, hindi niya dinala sa vulcanizing shop 'yung sasakyan niya.

"Bakit hindi mo dinala sa vulcanizing shop 'yung sasakyan?" Kunot-noo kong tanong.

"I can't just leave you here, alright..."

Mas lalo pang nangunot ang aking noo. "At bakit naman?"

"You're delivering our second baby soon. I can't leave you just for a car," aniya pa kaya napahalkahak ako.

"Nandito naman sina ate Marcy eh. Isa pa, baka hindi pa ako manganganak ngayon."

Umiling-iling ito. "Nope, don't expect me to leave you."

Napailing-iling na lamang ako dahil sa sinabi nito. "Magbihis ka na ro'n. Basa na 'yang damit mo. Maligo ka na rin. Ang dungis-dungis mo na."

"Will do," sagot nito kaya muli ko na lamang na itinuon ang aking paningin sa telebisyon.

Nanunuod kami ng paboritong pilikula ni Clyden. Iyong pilikulang 'Yin-Yang Master'. Marami kami rito sa salas. Nakatampok rito ang lahat ng mga tao.

Maayos akong sumandal sa aking kinauupuan ngunit napahawak ako sa aking tiyan nang bigla na lamang itong kumirot.

Binalewala ko muna ito ngunit bigla nanamang kumirot ang aking tiyan kaya napadaing ako sa sakit.

Pretending His Baby's MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon