Kabanata 61

1.5K 71 27
                                    

BAGO pa lamang na kinuha ng mga pulis ang kapatid ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BAGO pa lamang na kinuha ng mga pulis ang kapatid ko. Sa totoo lang, nag-aalala ako para sa kanya. Galit man siya sa akin pero kailangan ko pa rin siyang patawarin. Malala man ang ginawa niya pero kailangan ko pa rin siyang patawarin. Siguro nagkulang lang siya sa pagmamahal kaya ganoon ang asal niya. Siguro pakiramdam niya walang pake sa kanya ang mga tao. Umaasa rin ako na balang araw magiging maayos lang rin ang lahat at babalik sa dati kung saan maayos ang lahat at walang gulo.

Ngayon, kasalukuyan kaming makaharap ni dawson, nasa gitna naman ang mesa na may nakapatong na dalawang baso at isang pitsel ng tubig. Walang umiimik sa aming dalawa, wala rin akong planong magsalita dahil kailangan ko munanng kumalma. Ang daming nangyari kanina, siguro bukas na lang kami mag-uusap. Parang pagod ako ngayon na hindi mapakali, eh.

Hindi ko alam pero ganoon talaga ang aking nararamdaman sa ngayon. Nininebiyos ako dahil sa mga pangyayari. Hindi ko rin naman inaasahan na plano pala akong patayin ng sarili kong kapatid. Tama siguro na sa presinto na muna siya. Siguro kailangan niya rin ng espesyalista kasi pakiramdam ko nasisiraan na siya ng bait.

"Ehem, Bedegraine..."

Napalingon ako kay Dawson sa biglaang pagbanggit nito sa aking pangalan. Hindi ko alam kung ano ang dapat niyang itawag sa akin. Mas nakasanayan ko na kasi na tawaging Bedegraine.

"Bakit?"

"Ahm..." Tumaas ang aking kilay. Gusto kong marinig ang kanyang sasabihin. "Alam kong nag-aalala ka para sa kapatid mo pero hayaan mom una siya... kailangan niyang matuto at magbago sa sariling pagkakamali." Sumandal ako sa aking kinauupuan. Tumango-tango lamang ako, wala rin naman akong maisagot sa kanya. "Ah... pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na naman tayo, 'di ba?"

"No! Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Gustong mag-usap tayo ng tayong dalawa lang---"

"Wala naman tayong kasam, 'di ba? Tayong dalawa lang naman ang nandito." Lumingon pa ako sa aking likuran upang siguraduhin na kaming dalawa lang talaga ang nandito.

"No..." Hinawakan niya ang aking magkabilaang balikat kaya hindi ako nagkagalaw. "Gusto kong mag-usap tayo ng masinsinan. I want you to focus your attention on me, only on me, nothing else."

"A-ah... s-sige, kung 'yan ang gusto mo pero---"

"Eyes on me, hon..." Hindi na lamang ako umimik at tumingin na lamang ako sa kanya.

"Ano ba 'yon?" Mahina kong tanong at sinigurado ko talagang nasa kanya lamang ang aking paningin kahit na marami ang pumapasok sa aking isipan. "I'm all ears."

Umayos siya ng upo at tumikhim. Titig na titig sa sa akin na tila binabasa ang aking mukha. "Una sa lahat... I wanted to ask for forgiveness... Bedegraine, I'm so sorry kung naranasan mo ang lahat ng pasakit. Hindi ko alam na may nangyari pala sa 'yo... I admit that it was all my fault. Sana binantayan na lang kita no'ng kabuwanan mo na. I should have done all the things for you para hindi ka na kailangan pang umalis. Hindi sana nangyari ang lahat ng 'to sa 'yo. Mas inuna ko pa ang trabaho ko kesa bantayan ka dito sa bahay at iyon ang Malaki kong pagkakamali. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mamamatay 'yung baby natin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawala ka sa akin..."

Pretending His Baby's MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon