Kabanata 45

1.1K 48 27
                                    

"OKAY, everyone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"OKAY, everyone. Thank you for your participation..." Saglit na huminto si ma'am Marsha saka ito tumingin sa akin. "Miss Sarmiento, congratulations, you really improved a lot. Good job. Pati ka na rin miss Swan at Mr. Heart. Mostly sa inyo marami ang improvement."

Napangiti naman ako roon nang sundot-sundutin ako nina Sandy at maghiyawan at magpalakpakan ang aming mga kaklase.

Ayaw kong kunin 'yung credits dahil hindi naman talaga ako ang gumawa ng presentasyon na 'yon.

"Okay, so since may meeting kami this 3:30 PM... Maaga tayong uuwi." Mabilis na naghiyawan ang gong-gong kong mga kaklase. Maaga pa naman ngyaon.

"Yes!"

"Salamat naman at maaga ang uwi."

"Gusto ko na umuwi."

"Uwian na."

Nagsitayuan kami nang patayuin kami ni ma'am Marsha. Nagsilabasan naman kami nang sinabi nitong dismissed.

"Oi, pupuntahan mo talaga?" Tanong pa sa 'kin ni Sandy nang tumabi ito sa akin.

Bigla ko namang naalala muli 'yung sulat na nasa bulaklak. Nasaan nga ba 'yung bulaklak? Napalingon ako sa aking likuran.

"Bedegraine, 'yung bulaklak naiwan mo!" Umaalong sigaw ni Noreen dahil tumatakbo ito habang dala ang kanyang bag saka bulaklak.

Huminto ito sa aking harapan saka napahawak na lamang sa dibdib. "A-ang bilis niyong maglakad..." Humihingal nitong saad saka napalunok na lamang.

"Ang bagal mo naman kasi eh," reklamo naman ni Sandy at inawag rito ang bulaklak.

"Sige, puntahan mo na 'yung nagpapabigay ng bulaklak. Dito na lang kami maghihintay sa 'yo," usal ni Sandy at ibinigay nito sa akin ang bulaklak sabay tulak sa akin papaalis.

Napakamot na lamang ako sa aking batok habang nakatingin sa kanila. Binigay ko kay Noreen ang aking bag bago pa man ako naglakad paalis.

Parang ayaw ko na tuloy umalis, pero parang may nagtulak sa akin na puntahan ko raw 'yung garden malapit sa opisina ng student council.

Naglakad-lakad lamang ako habang mabilis naman ang kaba ng aking dibdib. Dumeretso na ako sa garden ng malapit sa student council.

Pumasok ako sa maliit na gate roon sa garden. Wala akong nakitang tao roon kaya sinubukan kong maglibot-libot sa garden, tutal malaki at malawak naman iyon.

Habang naglalakad ako papaikot sa kabuoan ng hardin ay nakita ko ang isang lalaking nakaputi habang nakatalikod. Agad na pumasok sa aking isipan ang pangalan ni Heart. Naalala kong kulay puti ang suot nito kanina. Maliban kina Sandy ay wala na akong masyadong kilala rito.

Pretending His Baby's MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon