MAGDAMAG akong gising dahil hindi ako makakatulog ng maayos dahil sa aking kakaisip. Inilipat kagabi sa ibang silid si Clyden. Patuloy pa rin naman siyang inaasikaso habang hinihintay kung kailan mangyayari ang kanyang heart transplantation.
Alas-sais na ng umaga at mapahanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ako kukuha ng heart donor. Tama nga naman 'yung doktor, mahirap maghanap dito sa Pilipinas lalo pa't bibihira lang ang ang mga taong nagdodonate ng kanilang mga puso.
Pinoproblema ko ngayon kung saan ako hahanap. Baka gagastos pa ako ng malaki para lang makahanap ng puso na ipapalit sa puso ng bata. Saan ako hahanap ngayon? Wala pa naman akong mga kakilala.
"Bedegraine, hindi ka ba natulog?"
Sumulpot sa aking harapan ang kakarating na Sandy. May dala itong supot sa kaliwa't kanan habang preskong-presko naman ito kung titigan, samantalang ako nama'y nagmumukha nang bangkay.
Nilingon ko ito habang ang mga mata'y inaantok. "H-ha?" Tanong ko rito na tila ba iniiwan na ng aking kaluluwa ang sarili.
"Anyare sa 'yo? Umuwi ka na nga muna sa inyo," usal nito at linagay sa aking tabi ang dala nitong supot. "Magbihis at maligo ka muna sa bahay niyo. Nasaan ba kasi si Dawson?" Kunot-noo nitong tanong.
"Nasa loob ng kuwarto. Bibabantayan 'yung bata." Umawang naman ang bibig nito.
"Oh my gosh, seriously? Hindi pa rin ba kayo nagkabati? Hindi mo man lang siya kinausap?" Umirap ito.
"Ewan," sagot ko at bumuntong-hininga. Hindi ko pa rin naman kinakausap si Dawson, gayong parati niya akong kinakausap. Nagsasalita naman ako ngunit isa o hindi lalagpas sa Lima lamang 'yung mga salitang sinasabi ko.
"Umuwi ka na muna. Ako na lang ang magpapaalam kay Dawson. 'Di ba sabi mo sa akin na maghahanap tayo ng heart donor?" Napipilitan akong tumayo kahit na tinatamad ako saka pagod pa rin.
"Saan naman tayo maghahanap?" Malumanay kong tanong.
"Umuwi ka na muna. Mamaya na 'yang mga tanong na 'yan. Gagawan lang natin 'yan ng paraan," nagmamadaling usal nito at tinulak niya ako papalabas bg pintuan ng hospital.
Nang makalabas ako ng hospital ay bumalik ito sa loob at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Napalingon na lamang ako sa aking paligid. Wala akong masyadong nakikitang mga sasakyan, wala ring dumadaan na taxi. Masyado pang maaga, hindi ko alam kung ano ang sasakyan ko papauwi sa bahay.
"Ma'am Bedegraine!"
Narinig ko ang malakas na sigaw mula sa malayo. Mabilis ko itong binalingan ng tingin at nakita ko naman si kuya Julius na kumakaway-kaway sa aking gawi. Agad akong humakbang papalapit roon.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...