"MAGKANO ba 'to?" Tanong ko kay ate Marcy habang tinutulungan ko itong magluto ng pagkain.
"Sa pagkakaalam ko po, mumurahin lang 'yan," tukoy nito sa olive oil na ginagamit sa pagluluto.
"Tikman niyo po 'to, ma'am." Napalingon ako sa gawi ni Raiven nang ituro niya ang bagong bake na cupcakes.
"Ang bango naman," papuri ko bago ako kumukuha ng isa roon ngunit nabitawan ko rin iyon nang maramdaman ko ang init nito.
"Ang init," mahina kong bulong saka pinahid ang kamay sa damit.
"O-okay lang po ba kayo, ma'am?" Saad ni ate Marcy habang nakatingin sa aking kamay.
"Okay lang ako, hehe."
Bakit hindi ko iyon naisip? Alam ko namang mainit iyon. Syempre, bagong luto pa lamang kaya mainit talaga.
"Mag-ingat po kayo, ma'am. Baka mapaso nanaman kayo."
Ngumiti ako sabay iling. Dahan-dahan kong inabot ang isang cupcake gamit ang tissue bilang panangga ng init.
"Ang aga-aga, cupcake agad." Mahina akong natawa sa sarili bago ko iyon sinubo. Saglit ko itong itinigil sa aking bibig bago kinagat.
Ramdam ko ang init niyon sa loob ng aking bibig ngunit mas natitikman ko ang sarap ng lasa nito. Eksaktong-eksakto lang ang lasa. Hindi masyadong matamis at malambot pa ito sa bibig.
"P-pangit po ba, ma'am?" Ramdam ko ang kaba sa boses ni Raiven. Akala niya siguro hindi ko iyon nagustohan.
"Masarap siya. Sakto lang ang timpla..." Ngumiti ako rito. "Saan mo natutunan ang mag-bake?" 'Di ko mapigilang tanong.
"Lola ko po. Mahilig kasi siya sa mga bake-bake kaya doon na rin ho ako sa kanya natuto," nahihiya nitong saad kaya itinaas ko ang aking hinlalaki.
"Good job. Mabuti ka pa, marunong sa mga bake-bake na 'yan. Paturo naman ako, o." Linapag ko sa mesa ang cupcake.
"T-talaga po? Hindi po ba kayo marunong niyan?" Anito kaya mabilis itong binatukan ni ate Marcy na ikinabigla ko.
"Gaga, kaya nga siya magpapaturo dahil hindi siya marunong. Tinatanong pa ba 'yon?" Masungit sitong asik at hinilot ang sentido.
"M-may point ka," ika ko naman. Haplos-haplos ni Raiven ang ulo habang mahaba ang nguso. "Paano kung... Gagawa tayo ng cupcake para sa Christmas?" Ani ko.
Napalingon sa akin ang dalawa saka nagkatinginan. Ilang segundo pa silang nagkatitigan bago bumaling ng tingin sa akin saka ngumiti.
"Pwede naman, ma'am," mahinang usak ni Raiven.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomansaAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...