8

219 188 1
                                    

Estella's POV:

Anong oras na akong nagising dahil nagpuyat kami nina Addy, pinag-horror movie ba naman! Buti nalang naka-iglip ako ng konti, pero hanggang ngayon talaga parang may iba sa noo ko! Lagi ko nalang hinahawak-hawakan! Hindi ko maintindihan pero nagtataka ako e.


Napatingin ako sa orasan at nakita kong late na nga ako. 8:30am na pero ang usapan namin nina Sam ay 8:00am dapat nasa school na. Wala naman masyadong activities ngayon, pero ang plano namin ay puntahan lahat ng booths, dahil next year wala na kami dito dahil mag-eentrance exam na kami for Grade 11.


Nang maalala kong makakasama pala namin sina Zyden mamaya, napatayo agad ako at naligo.


"AH FUCK!" Napamura nalang ako dahil napa-dami ata ang inom namin kagabi! Bigla nalang sumakit ang ulo ko, minartilyo ata yon!


Nang makalabas ako sa CR ngayon ko lang nakita kung gaano ka-kalat ang kwarto ko. Naka-hilata din sina Addy at Asher sa kama ko. Si Jazmine naman ay nasa couch, at si Jacob nasa sahig! God, these kids!


Hinayaan ko nalang muna sila matulog at nag-iwan nalang ako ng note sa kanilang apat. Bihira ko nalang sila makikita, I mean, makikita ko lang sila pag may emergency or pupunta ako sa Zepi. Nakakalungot lang.


Nagbihis na agad ako at umalis na agad nang hindi kumakain. Bahala na, baka maiwan pa ako nina Samantha sa booth. Kahit masakit pa din yung ulo ko, sige lang sa pagmomotor.


Hindi daw sasama si Ate sa school dahil may pupuntahan daw sila ni Kuya Yuri. Kaya nasa akin muna ang motor niya. Plano ko sanang daanan si Kio pero baka naka-alis na yon.


Nakarating na din kaagad ako sa school at napatakbo na sa field, siguradong nandoon sina Sam dahil naroon ang mga booths.


At natanaw ko nga silang naglalaro doon. Nagtatawanan pa sila nina Kio dahil hindi maka-baril si Kio ng mga bote.


"ANG BOBO MO NAMAN BUMARIL! SA BABA MO LANG ITATAPAT E!" Reklamo agad ni Natasha, inagaw niya ang baril kay Kio at pinaputok iyon kaya natumba lahat ng bote.


"EDI IKAW NA! IKAW NA!" Umirap si Kio. Lumapit na ako sa kanila at kinagulat naman nila yon.


"BUHAY KA PA PALA!" Napayakap sakin si Jiara, lalong sumakit ang ulo ko sa ingay niya.


"KUMAIN KA NA? TARA KAIN TAYO!" Pag-aaya ni Natasha, umiling ako sa kanila dahil alam kong kumain na sila, kaya ako nalang ang kakain, para makapag-enjoy pa sila.


"Kumain na ko, maglaro muna kayo jan, may pupuntahan lang ako." Excuse ko sa kanila, ayoko naman na magpa-bigat pa noh! Kaya ko namang kumain mag-isa.


Dumiretso ako sa canteen at naupo sa isang upuan. Hinahanap ko pa si Zyde dahil baka di pa siya kumakain, sabay na sana kami.


Napalingon ako sa paligid pero wala siya, wala rin akong natanggap na message galing sakanya. Galit ba yun? Sineryoso niya ata yung sinabi ko kagabi, na wag niya na akong kausapin!


Napa-simangot ako at nagphone nalang.


Napatalon ako ng konti nang may biglaang maglapag ng pagkain sa harapan ko.


"Eat." Simpleng sabi niya, at umupo siya sa harapan ko.


"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya, hindi nagbago ang itsura niya pero tinuro niya ang pagkain, which means kumain na lang ako.


"Kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya, baka hindi pa siya kumakain e, tsaka baka sakanya to.


"Yes, so eat." Sambit niya, napairap ako doon at kumain nalang.


Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon