Chapter 29
Samantha's POV:
"You're up next, Ms. Rodriguez, Congratulations!" Masayang bati ni Coach, niyakap ako ni Coach Vale, coach namin sa Volleyball.
Nakatipon kaming lahat ngayon sa Quadricentennial Pavilion o mas kinikilalang Q-PAV. Guess what, today's graduation day! Hooray! Sa wakas naman at tapos na kami! Malapit-lapit na naming makamit ni Athena ang pangarap namin nang sabay!
Rarampa kami ngayon papunta sa kinauupuan namin, sa magkabilang gilid nanggagaling ang ibang mga estudyante, maglalakad papunta sa likod at didiretso sa gitna. Kanya-kanya kaming hawak ng mga toga sa iisang kamay. Ang mga nasa harapang upuan ay ang sa aming mga students.
Nang makaupo kami ay hindi ko maiwasang sulyapan ang direksyon ni Athena, dahil siya ay 'Smith' at ako naman ay 'Ramirez', magkalapit lang kami, may limang nakapagitang students sa 'min pero hindi nila ako mapipigilang makipagdaldalan kay Athena, parang walang nangyari sa kaniya, hindi na mugto ang mata, maganda ang ayos, nakangiti siya pero halatang pilit.
Siya naman ngayon ang mukhang walang problema, pero alam kong mayroon, alam naming lahat na mayroon, noong isang araw ay birthday ni Zyden pero hindi manlang sumipot si Athena, pagkatapos no'n ay ang graduation ni ZJ pero hindi lumapit sa kaniya si Athena, isang simpleng 'Congratulations' lang ang sinabi niya bago siya umalis, hindi siya sumama sa after-party sa bahay nina Zy, nakakapangtaka dahil hindi naman sila ganito.
Maski si Zyden ay ganoon nalang din, aakalain mong masaya pero makikita sa mata kung gaano nasasaktan. Ano ba kasing nangyari sa dalawang 'yon? Wala namang nababanggit si Athena sa akin, tanging sinasabi niya lang ay 'wala lang' o di kaya 'trip lang', minsan naman ay magdadahilan siyang uuwi na dahil may gagawin pa siya, naiintindihan ko naman 'yon dahil siya na ang nag-aalaga kay Tita, naiintindihan ko ring hindi siya masyadong naglalalabas dahil baka daw makita niya si Ate Avi, pati si Ate Ariana.
Alam niyang hindi basta-bastang makakapasok si Ate Ariana sa bahay nila dahil bantay-sarado 'yon, jusko ako ang nasasaktan para sa kanilang dalawa.
Isa pang napansin ko ay unti-unti nang napapalapit si Athena sa amin, hindi na katulad ng dati na kailangan pa namin siyang paalalahanan na kung may problema ay pwede siyang magsabi sa amin, ngayon ay nakikitawa na siya at nagoopen na ulit, hindi nga lang niya ipinagsasabi ang tungkol sa kanila ni Zyden, siguro naman ay maaayos din nila 'yon sa tamang oras.
Mabilis na lumipas ang oras ay hindi ko na namalayang nagtatawagan na pala ng pangalan para makaakyat sa stage.
"This row, please stand up ang proceed beside the stage, thank you."
Nanlaki ang mata ko, shocks! Sa wakas ay maakyat ko na rin ang stage na 'yon! Limang taon kaming nag-aral sa Unibersidad na 'to, hindi ako makapaniwalang nandito kami ngayon! Hanggang ngayon hindi pa rin talaga nagsisink in sa 'kin na gagraduate na kami, napaka sarap sa pakiramdam.
Pamparampampam.
Napatingin ako kay Athena nang tumingin siya sa 'kin, natawa siya nang panlakihan ko siya ng mata at taas-taasan ng kilay, natawa naman ako nang magduling-dulingan siya. 'Di ba ang babaw ng kaligayahan namin.
BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
RomanceDREAM SERIES #1 Estella Athena Smith. A former Volleyball Player from University of Santo Tomas. A known girl from school because of its talent in singing and the school's MVP in Volleyball. Sa larangang ito siya itinadhana. She is a member of an As...
