4

246 202 1
                                    

KINABUKASAN, Maaga akong nagising dahil first day ng intrams at siguro ngayon panigurado akong may gugulo nanaman sa isipan ko, sana naman ay hindi na matuloy ang 'Muse and Escort' keme nila, sana talaga.




Naligo na ako at nag-ayos ng itsura, hindi ko na gaanong pinaghandaan dahil mamaya aayusan rin naman kami ni Zyden don, sana hindi na 'ko makeup-an. 



Ang dami ko namang 'sana' ngayon.



"Galit ka ba?!" Pinitik ko sa noo si Ate Avi dahil nagmamadali siyang kumain, hindi ko alam kung excited siya, e bukas pa naman ang intrams nila, hindi ko talaga siya maintindihan, o kaya naman, galit siya sa'kin, 'no?!



"BAT KA BA KASI NAGMAMADALI?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya, tumigil siya sa pagsubo ng pagkain at punong-puno na bibig na humarap sa'kin, mukhang mauutot pa 'ko dahil pigil na pigil ang tawa ko. Mukha siyang letchon na may dalawang apple sa magkabilang pisngi.




Naririnig ko sa utak niyang kanina niya pa 'ko minumura kaya kumain nalang din ako para maabutan ko siya. Mabulunan sana siya.



Nakatapos na kaming kumain ni Ate Avi at nakapag-toothbrush na rin, nauna siyang lumabas dahil excited nga siya, makikita niya siguro si Kuya Yuri. Dati naman mas mabagal pang kumilos 'to sa'kin, ngayon nauunahan naman niya 'ko. Iba talaga 'pag ma inspirasyon. Ay! Charot!



Nag-aayos pa lang ako ng sapatos ko, narinig ko na ang high-pitched na sigaw ng isang nilalang, este parang naipit na kambing 'yung sigaw. 



"ATHENAAAAA!!" Sigaw ni Ate Avi sa labas, hindi talaga makapag-intay to e, akala mo taeng-tae palagi, may chance pa naman siyang tumae, nandito pa naman kami sa bahay.



"ETO NA! ETO NAAA!!" Sigaw ko pabalik, nagtataka na siguro si Mommy kung bakit kami nagmamadali, e si Ate lang naman ang may topak ngayon!




"BYE MOMMY!! SEE YOU LATER!! I LOVE YOUU!!!" Pagpapaalam ko kay Mommy, humalik ako sa pisngi niya, Fuck, ang layo pa ng tatakbuhin ko papunta sa labas!




"ISAAAAA!!" Pagbibilang ni Ate, lalo akong nagmadali! Pwede pa naman siyang tumae, habang nasa bahay kami! Jusko!



Nakarating na 'ko sa room at namangha pa 'ko na walang kakalat-kalat, wala rin 'yung hinahanap kong kalat dito. 



Asan na ba yun si Zyden? Ang tagal niya ha.




Hanapin ko kaya?



Nyeh, kakarating ko lang hahanapin ko na agad?! Bat ko ba hinahanap?!



 Tumayo ako at nag-akmang lumbas ng kwarto pero pagkabukas ko non ay bumungad sakin si Ulupong.




Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon