17

202 169 0
                                    

Estella's POV:

"Iiwan na muna namin kayong dalawa.."



Lumabas ang boys at naiwan si Zyden sa tapat ng pinto.



Kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya, bakit siya narito? Paano rin niya nalaman? Hindi naman dapat aabot sa ganito..



"Zyden.." Mahinang sabi ko, tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Naka-tingin lang siya sa akin ng walang emosyon.



Ang hirap niyang basahin, hindi ko alam kung galit ba siya o nagulat o masaya, hindi ko alam.



Naglakad ako palapit sakanya at tinignan siya nang diretso, may mga namumuong luha sa gilid ng mata niya. Tumungo ako at dahan-dahan siyang niyakap.



"Why.." Bulong niya, nanginginig pa ang boses, lalo lang humigpit ang yakap ko sa kaniya, ako naman ang nasasaktan marahil hindi niya ako niyayakap pabalik.



"Sorry.. sorry, Zyden.. sorry hindi ko sinabi sa'yo.."



Tinanggal niya ang yakap ko sakanya. At kinagulat ko 'yon.



Umawang ang mga labi ko at tinitigan ko siya ng puno ng pagtataka, galit ba siya? Hindi ba dapat ako ang makaramdam noon dahil siya ang naunang magtago sa amin? Bakit ganito siya kumilos?



"Okay kalang? Ikaw ba talaga 'yan?" I scoffed.



Umiwas ako ng tingin dahil mukhang mag-aaway kami.



"Ikaw 'yung nauna! Ikaw 'yung unang nagtago sa'kin! Ikaw 'yung hindi nagtiwala! Tapos ganito ka? Ayos kalang? Kaya ko naman tinago sayo na nandito ako para sayo." Panimula ko, nahihirapan akong magsalita sa mga hikbi ko. Hindi naman 'to ang plano, e! Dalawang araw nalang makakauwi na ako, pero.. nahuli ako, e.



"Ano 'yung mission na 'yon? Bakit hindi ko alam 'yon? Tapos sina Sam alam nila? Pinaplastik niyo ako, Zyden.. Simula Grade 10.." Tinuro ko siya, wala pa ring emosyon ang mukha.



"Alam mo 'yung mas masakit?! Akala ko kilala ko na kayo, pero.. pero hindi pala!" Sigaw ko, hinahabol ang hininga.



"PERO ALAM MO 'YUNG MAS MADALI?!" Sigaw ko pa, nasasaktan na.



Nag-aalinlangan ako kung sasabihin ko ba o hindi, masyadong masakit.

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon