Chapter 39
Estella's POV:
"Congratulations, Ate Avi!"
As years passed, the couple realized that they are really the one for each other. Finally, their hearts became one.
It was Ate Avi and Kuya Yuri's wedding day and it's been three years.
"Jusko! Parang hindi ako importante dito! Ako ang dahilan kung bakit nagkakilala 'yang dalawang 'yan!" Reklamo kaagad ni Blaze sa harap habang nakatayo sa stage at nakapameywang. Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya. Nagkibit-balikat naman ito at tinignan mula ulo hanggang paa si Ate Avi habang nakataas ang kilay.
"Kung hindi niyo naitatanong.. Si Avianna talaga ay isang mang-aagaw. Kami na talaga ni Yuri noon, nabihag lang ni Avi si Yuri dahil maganda siya," Nag-make face si Blaze.
"Uy! Agree kang maganda ang ate ko!" Pang-aasar ni Asteria kay Blaze. Napatingin naman si Blaze sa kaniya at pumeywang.
"Hoy, hindi 'no! Kwento lang ni Yuri sa 'kin 'yon nung mga panahong may epekto pa ang gayuma ni Avi sa kaniya." Umirap si Blaze. "O', ano pang gusto niyong marinig na paninira tungkol d'yan kay Avianna?" Biro ni Kuya Blaze.
Everyone said their messages for the newly wed and the reception went well. Laughtrip pa nga marahil nag-agawan si Blaze at Asteria sa bulaklak na ihinagis ni Ate.
"'Wag kayong mag-agawan, mga wala naman kayong jowa," Wika ni Ate Ariana. Marahan niyang kinuha ang bulaklak na pinag-aagawan nina Asteria at Blaze bago sila tinalikuran.
Doon napatigil sina Asteria't Blaze na para bang nalinawan sila at narealize ang katotohanan.
Nang makuha ni Ate Ariana 'yon ay napatingin kaming lahat kay Yuri nang kusang ibigay din kay Kuya Jax ang kaniya.
Napangiti at nagtilian kaming lahat nang magtinginan ang dalawa. Kusa namang lumapit si Kuya Jax kay Ate at inabot ang baba nito bago siya hinalikan nang marahan.
Napatakip halos lahat ng tao sa mga mata nila pero pabiro ring sumisilip.
Napatigil na lamang ang lahat nang biglang may sumigaw, "Yuck!" Sabay na sigaw nina Aiden at Aaron.
Lahat din kami ay pare-parehong napatingin sa dalawa. Disgust is plastered in their faces while us adults started laughing so hard.
Aaron is Ate Avi and Kuya Yuri's Son. He's just a year younger than Aiden. It turned out that Ate Avi really was pregnant three years ago.
In those years, I watched Aiden grow. He looked like his father. Lalo na ngayong four years old na siya.
Kamukhang kamukha niya talaga si Zyden at kung pagtatapatin sila ay para bang pinabata lang si Zyde.
BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
RomanceDREAM SERIES #1 Estella Athena Smith. A former Volleyball Player from University of Santo Tomas. A known girl from school because of its talent in singing and the school's MVP in Volleyball. Sa larangang ito siya itinadhana. She is a member of an As...
