2

274 211 2
                                    


Chapter 2


May nagugustuhan na pala si gago, nakakapag-taka tuloy kung bakit hindi pa nagiging sila, baka nga kung sino 'yung babaeng nagustuhan niya wala pang isang segundo na mag-usap sila, sila na. Pft, HAHAHAHAHA! Natatawa tuloy ako sa mga naiisip ko!



Torpe kaya 'tong si Zyden? 'Yun 'yong kanina ko pa iniisip, bat wala siyang kasamang babae lagi? Bat kaya napaka private niyang tao, as in mga kaibigan lang niya 'yong nakakasama niya, or baka.. ibang school 'yong babae niya!



"Hey." He called me, in a soft voice. Tumingin ang mga mata ko sa kaniya ng puno ng pagtataka.



"You okay?" Mahinang tanong niya, napatawa pa 'ko sa mukha niya, ano 'yan? Tumango lang ako at pinagmasdan ko lang ang mga ilaw sa mga bahay, malapit na kasi magpasko, andami nilang christmas lights na pinalibutan yung mga puno nila, pati sa mga bahay meron din. Ganda lang tignan. Parang ako, charot!



"Zyden?" Mahinang tanong ko, napatingin ako sa paligid pero wala si Zyden, san napunta yon? Kanina katabi ko lang ah? Parang gago, amp!



"ZYDEN!" Sigaw ko, pero hindi pa rin siya nagpapakita, aba, 'wag mo 'kong pinaglalaruan ng ganito, baka mamaya na magpakita ka sa 'kin, mapatay na kita!



"Zyde!" Sigaw ko pa, kinakabahan na ngayon, hahablutin ko na sana ang phone ko sa bulsa ko nang may humawak sa kamay ko, inintertwined niya 'yon doon, na kinagulat ko kaya inikot ko ang kamay niya bago ko siya kinwelyuhan.



"JESUS!" Sigaw ni Zyden, bat ba kasi siya nanggugulat?! Binitawan ko rin kaagad ang kwelyo niya at inayos ko pa iyon, nagpanic ako kaagad. Gago to ah.



"San ka ba galing?" Mahinhin na tanong ko sakanya, kinabahan ako. "Tangina mo."



"Bakit? Namiss mo 'ko agad?" Pang-aasar niya, tinulak ko siya papalayo sa 'kin dahil nung nagsalita siya linapit niya ang mukha niya. Pang-asar 'tong kupal na 'to, ah! 



Hindi ko siya pinansin doon at tuloy-tuloy nalang na naglakad papunta sa court. Naririnig ko ang tawa niya sa likod, kaya mas lalo lang akong nainis. Hindi niya alam 'yong pinagdaanan ko noon kaya hindi ko nalang siya sinigawan, pinagsabihan, ginantihan o ano man. 



"Hey! I'm kidding!" Malambing na sabi niya, tumango lang ako at nagphone na, hinahanap ko si Miko sa ig. Familiar kasi siya sakin. 'Wag niyong sabihin na si Miko 'yung--



Nanlaki at napaawang ang labi ko sa nakita ko. 



Daniel Miko Titus


Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon