41

39 2 0
                                    

Chapter 41

Samantha's POV: 

"Paano kung matuloy talaga?" Hindi ko naman kasi talaga alam kung seryoso bang ikakasal 'yong dalawa, oo, mukha silang masaya pero.. something's really off.


"E 'di matuloy. Zyden doesn't deserve Estella. She can stand on her own, she can find someone better." Wika ni Jiara, mukhang ayaw na niya talaga kay Zyden. Isa kasi siya sa mga taong pinaka nagtiwala kay Estella, according to her.. she failed to protect her. She knows Estella is much more fragile more than any of us.


"Jiara.. what if this is just one of his ZJ's plans? Alam mo naman 'yon, 'di ba? Malay ba natin kung si Estella pa rin?" Natasha was still hoping for them, I'm not taking sides.. pero she has a point.


"God! Bakit ba umaasa pa rin kayo roon kay ZJ?! Kung plano man niya 'to.. bakit? Para saan? Para saktan si El?" Jiara scoffed. 


"Bakit ba apektadong-apektado ka? May nangyari ba?" Kio asked. I wanted to ask that too, alam ko namang ayaw ni Jiara na nasasaktan si El, but isn't this too much?


"Of course, I am! Estella stayed by my side through my tough times! Can't you see her suffering from the fact that his man is marrying someone not her?!" Jiara started tearing up, I felt.. weak. Hindi ko na naisip na nasasaktan pa pala si Estella after all these years, alam ko namang mahal pa niya si Zyden but she never told anyone. "At isa pa, she's alone there, she contacted us now after years! Mukha bang may nakakausap siya roong makakaintindi sa kaniya? 'Di ba.. 'di ba wala?" 


I wiped the tears falling from Jiara's eyes before pulling her for a hug. This girl is overthinking.. we all don't know what Estella is capable for, we all don't know what she's about to do. Gustong-gusto namin siyang makita't yakapin, gusto namin sabihin sa kaniya'ng magiging okay lahat, gusto naming i-assure sa kaniya'ng magiging masaya siya palagi, gusto naming iparamdam sa kaniyang hindi siya nag-iisa dahil kasama niya kami.


"Matapang si Tenyang, Ji. Hindi na niya uulitin 'yon," Kio hugged Jiara too after saying his words, he was pertaining to Estella's suicidal attempt. 


Nang tignan ko si Ashlee ay may kausap siya sa phone, si Natasha naman ay naka-abang lang sa kaniya. Kitang-kita sa mukha nila pareho ang pag-aaalala, sino kaya ang kausap ni Ash?


"Nat, sinong kausap?" Mukhang nagulat pa si Natasha no'ng bigla na lang niya akong nakita sa tabi niya.


"Kuya niya, nasa tagaytay raw sila ni ZJ.." Umiwas siya ng tingin bago bumuntong-hininga, she's.. frustrated. "..kasama si Bellatrix Laine."


I scoffed. "Wow, kasama pati roon?" I shook my head before laughing sarcastically.

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon