Chapter 1
"Estella! Sali ka sa 'min!"
Narinig ko na namang sumigaw 'yong Grade 11 student na nakalaro ko noon. Nasanay na siguro akong kada-dismissal ay siya lagi ang maririnig ko. Napatingin ako sa paligid ko nang magtinginan 'yong students.
Tumingin din ako sa suot ko at napatawa. Kaya pala maraming tumitingin ay naka-palda ako tapos inaaya ako maglaro. Nang tignan ko pabalik ang lalaking tumawag sa 'kin ay napa-awang ang labi niya.
"E-Estella, hindi sa g-"
"Manyak ka, gago!" Sigaw kaagad ng ibang estudyante habang napapailing na lumakad palayo.
"Bukas nalang, maaga akong uuwi ngayon e." Sagot ko roon sa lalaki at tipid siyang tinanguan. Hindi naman ako gaanong na-guilty sa ginawa ko marahil manyak naman talaga ang lalaking 'yon, mukha lang siyang inosente pero may tinatagong kademonyohan sa katawan.
Nang maka-alis na ako sa field, agad na hinanap ng mga mata ko ang ate ko. Si Ate Avi, sa totoo lang, matagal ko na ring iniisip kung sino bang mas matanda sa 'min, sa sobrang kulit at siraulo niya ay mas nagmukha akong 'Ate'.
Nakarinig ako ng sigawan sa gymnasium kaya agad ko silang nilingon. Na-curious ako kaya roon muna ako nagtungo. Hindi na ako nag-abalang sumingit sa daanan dahil alam kong kusa silang tatabi 'pag ako ang dadaan.
Natanaw ko siya sa gymnasium, kasama ang mga kaklase niya, kaya naman pala maraming tao.
Naglalaro siya ng Volleyball, ah. Naka-palda pang halos hanggang sa hita lang, maikli 'yon, hindi na talaga niya inisip na pwedeng may maka-silip sa kaniya sa ginagawa niya, kaya pala ang daming mga lalaki na nanonood ng laro nila habang naka-upo sa bleachers. Minamanyak siya sa tingin.
Kusang tumaas ang kilay ko nang makitang isa-isang naglabasan ng cellphone ang mga lalaking nasa bleachers nang tumuwad ng kaunti si Ate dahil siya ang magrereceive ng bola.
It seemed like I teleported infront of the guys sitting on the bleachers, pinanlakihan ko na agad sila ng mata, isa isa naman nilang ginawa ang gusto ko, isa isa silang nagsi-delete-an ng pictures and videos.
Nahagip din ng mga mata ko ang isang lalaking nagtago ng phone sa bulsa at tumingin sa 'kin na para bang wala siyang ginawa.
"Akin na 'yang phone mo." Madiing sabi ko habang walang emosyong naka-tingin sakanya.
Napa-kunot ang noo ng lalaki at tinaas ang dalawa niyang kamay. Ano ako tanga?
"Ilalabas mo o hindi?" Kalmado kong tanong. Napatingin na ang ibang mga estudyante sa direksyon namin kahit 'yong mga naglalaro ay tumigil na rin.
Nanlaki ang mga mata ng lalaki na nakarinig no'n, pinilit naman nila 'yung lalaki na ibigay sa 'kin 'yung phone.
Nahulog pa ang phone niya nang manginig ang kamay niya habang inaabot sa 'kin. Susunod naman pala, e, ayaw pang gawin agad.

BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
Roman pour AdolescentsDREAM SERIES #1 Estella Athena Smith. A former Volleyball Player from University of Santo Thomas. A known girl from school because of its talent in singing and the school's MVP in Volleyball. Sa larangang ito siya itinadhana. She is a member of an A...