Chapter 26
Estella's POV:
Lahat ng sikreto niyang makakapanakit sa'yo.
Anong ibigsabihin no'n? Gulong-gulo na ang utak ko dadagdag pa 'yon, tatanungin ko na ba si Zyden tungkol doon? Pero baka masaktan ako. 'Yon ang sabi ni Adrian, halos kapareho na rin nung sinabi ni Kuya Jax.
Napa-hilamos ako sa mukha ko, kung ano ano na namang iniisip ko! Pauwi na sana ako pero napagtanto kong nasa condo nga pala ni Zyden 'yong mga damit ko, ano pupunta pa 'ko doon?! Nakakainis, wrong timing pa.
Pumunta ako sa base ng Midnights para kuhanin 'yong bag ko, pati na rin 'yong susi ng kotse ko, maggagala pa sana ako para 'pag nagpunta ako sa condo ni Zyden, tulog na siya at hindi na niya ako mapapansin. Medyo malalim na ang gabi pero alam kong gising pa 'yon, siguradong may inaasikaso pa. Napalingon ako kay Asher nang magkasabay pa kami ng lakad.
"Oy, sa'n punta mo?" Tanong niya, kunot na kunot ang noo, napakunot na rin ang akin, sa pagtataka kung bakit kunot na kunot ang noo niya. "Trip mo? Sinasabayan mo ng kunot noo ko ah!" Agad niyang tinakpan ang noo niya at ngumuso.
"Arte mo." Umirap ako at nauna nang naglakad papunta sa base, nakasunod naman siya sa'kin habang tawa ng tawa sa likuran ko. "Ang ingay mo, Asher, magigising si Kuya Jax."
"Sinong may sabing natutulog 'yon? Naka-alis nga ulit. May ka-date siguro, kinabog 'yung pormahan ko e'." Napatigil ako sa paglalakad. Unti-unti nawala 'yong ngiti sa labi ko nang banggitin niyang may ka-date si Kuya Jax, akala ko ba, hindi niya papalitan ang ate ko? 'Yon ang pangako niya kahit naghiwalay na sila, 'yon din ang nagpangiti kay Ate pero tumanggi pa rin siya. "B-baka lang, ano ka ba, malay mo may mission 'yon." Pagbawi naman ni Asher, tipid na ngiti lang ang binigay ko sakanya bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit walang tao?" Takang tanong ko kay Asher nang mapansin ang mga base ng kabilang grupo, tahimik at wala manlang ka-ilaw ilaw.
"May mission silang pinuntahan, e. Midnights, Bullets, Cuthrows, at Curses lang 'di kasama, e." Napa-tango ako, mukhang malaking mission 'yon, halos nasakop lahat ng Zepitome. "Balita ko, nag-usap kayo ni.." Unti-unting humina 'yong boses niya. Hindi nagbago ang itsura ko pero napa-hinga ako ng malalim. Alam kong hindi niya kayang tawagin si Adrian gamit ang pangalan niya, kahit 'Kuya' hindi niya masabi.
"Oo." Tipid na sagot ko, narating na namin ang elevator at sabay kaming sumakay doon, "Sa base ka rin ba?" Tanong ko sa kaniya, hindi niya 'ko sinagot pero pinindot niya 'yong button na papunta sa base namin.
"Nakalimutan na niya siguro ako, 'no?" Tanong ni Asher, umiling ako sa kaniya.
"Hindi ka makakalimutan no'n, sabi mo pa nga, tatatak sa utak ng lahat 'yang itsura mo dahil napaka gwapo mo 'di ba?" Pang-aasar ko naman para gumaan ang loob niya, bahagya naman siyang natawa at naiwan sa mga labi niya 'yong ngiting makakapag-pagaan ng loob sa lahat.
"Aba, nagtatago ka ng cards sa pwet mo kaya mabilis maubos 'yan, 'no!" Sigaw ni Kuya Blaze ang una kong narinig pagbukas ng elevator. Ginagaya niya pa ang mukha ni Jacob habang naka-kunot ang noo at unti-unting lumalaki ang butas ng ilong.
BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
RomanceDREAM SERIES #1 Estella Athena Smith. A former Volleyball Player from University of Santo Tomas. A known girl from school because of its talent in singing and the school's MVP in Volleyball. Sa larangang ito siya itinadhana. She is a member of an As...
