10

202 181 1
                                    

"NANALO KAMI! NANALO KAMI! WOO-HOOOO!!



Lasing na agad si Samantha dito sa Neons, inaantay ko nalang si Miko dahil nangako ako sakanya na iti-treat ko siya ng inumin, naka-upo kami ngayon dito sa pabilog na table, si Samantha talaga ang basag na basag na, sumasayaw pa siya doon sa gitna kasama si Jiara, si Ashlee naman kalmado pa din pero pag uminom pa siya ng konti susundan na sina Jiara, si Natasha konti nalang mamamana na kay Samantha, kung ano-ano na kasing sinasabi niya.



"Alam mo, kahit kailan di kayo nakuntento sa iisang babae! Pare-pareho naman kayo! Tsk!" Lasing na sabi ni Natasha, napatakip sa bibig si Kio gamit ang kamao niya habang patagong tumatawa dahil baka magrambulan sila ni Natasha dito.



"Bat ba kasi kayo ganyan?! Ang epal niyo naman e! Nagkagusto lang naman ako sa tao! Bat grabe kayo kung manaket?!?!" Konti nalang ay iiyak na si Natasha, naaawa tuloy ako. Sino bang umaway dito?! Broken na broken pero wala naman daw label. Ang sasama talaga ng ugali, kaya pala tahimik lang si Natasha kanina.



"It's okay! I'm gonna kill him!" Lasing na sabi ni Ashlee, natawa doon ng konti ang kuya niya, habang si Jake naman hindi matanggal ang pag-tingin kay Jiara doon, takot daw siya kay Tita, sa Mommy ni Jiara, baka daw mapagalitan siya kaya hindi daw muna siya iinom.



"No, Mom's gonna kill me. Look at yourself, you're damn wasted." Umirap si Caillen at nalipat ang tingin kay Samantha na nakikipag-halikan na don sa dancefloor.



Si Zyden, naka-akbay sakin habang nakikipag-daldalan kay Kio at Liam, ay hindi, si Kio at Liam lang pala yung madaldal, naiirita lang si Zyden habang nakikinig.



"Drink?" Pag-alok niya sakin, kinuha ko naman yun at nilagok ng dire-diretso. Ang tapang pala non?! Hindi ko manlang muna tinignan kung ano yung ininom ko!



"Wow." Napa-awang ang labi niya, tinulak ko ang pagmumukha niya dahil mamimikon nanaman siya.



"Ako lang to, Zyden." Pinag-pagan ko ang dalawa kong balikat pero tinawanan niya lang ako. Kasabay non ay dumating na si Miko kasama yung dalawa niyang kaibigan na sina Leo at Jethro.



"YOW! KAMBAL!!" Bati agad ni Leo kay Liam, siguro nga kambal sila sa sobrang kulit nilang dalawa.



"Miko! Dito kana!" Nagbigay ng space si Kio para sa kanila. At umupo nga sila doon, habang nagkekwentuhan, medyo bumigat ang atmosphere dahil ang seryoso ni Zyden ngayon na nakikipag-usap kay Caillen.

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon