Chapter 27
Estella's POV:
"Athena! Nababaliw kana ba?! Saan ka pupunta?"
Obvious ba? Kukuhanin ko si Samantha! Walang makakapigil sa'kin sa dahilang hindi ko alam kung anong pwede nilang gawin kay Sam, pero isa lang ang sigurado ako, pinapahirapan siya ngayon at gusto ko nang matapos 'yon. Ngayong araw ko lang
Padabog akong naglalakad palabas ng bahay, hindi na 'ko nakapag-paalam kay Mommy dahil tulog na siya, babalikan ko naman siya bukas dito, kailangan ko lang munang kuhanin si Sam, hindi ako mapakali kapag iniisip kong nasa kamay pa rin siya ng Leviathans.
As usual, nakasunod sa'kin ang busangot na busangot na si Kio, sinusubukang ibahin ang desisyon ko.
Malalim na ang gabi at ngayon ko pa naisipang puntahan ang kinaroroonan ni Samantha, tawag dito? Katangahan, hindi ko alam kung pupuntahan ko na ba ngayon si Adrian dahil sumakto namang wala sina Kuya Jax sa Zepi, tanging konti lang ang naiwan doon, pero may isa pa akong problema, kung sino pa ang mga naiwan, sila pa 'yong pinaka magagaling.
Inunahan ko na siya, sumakay ako sa kotse kaya ako nanaman ang magdadrive, nakanguso itong umupo sa shotgun seat. "Alam mo? Nakakatampo kana." Sambit niya bago ako binigyan ng matalim na tingin.
"At bakit?" May tono sa boses kong ayaw malaman kung bakit siya nagtatampo, sinusian ko na ang kotse at pasimpleng tumingin kay Kio na hindi inaalis ang tingin sa 'kin. Bumuntong-hininga ako at sumandal muna bago siya nilabanan ng tingin, ilang minuto rin ang lumipas nang taasan ko siya ng kilay.
Tinalikuran niya ako, halatang nagtatampo. Napailing nalang ako bago kami umalis sa bahay, didiretso kami sa Zepitome dahil kukuhanin namin si Adrian. Siya ang ipapalit kay Sam, alam ko namang wala silang ibang tatanggapin maliban kay Adrian dahil siya lang naman ang kailangan ng grupo nila.
"Hindi naman ikaw 'yung Athena'ng nakilala ko!" Napakunot ang noo ko nang marinig ang bulong ni Kio.
"Anong binu-bulong bulong mo diyan? Umayos ka nga ng upo, Kio. Mahihilo ka niyan." Panunuway ko naman.
"Umayos ka nga ng upo, Kio, mahihilo ka diyan nye nye nye.." Panggagaya niya, "'Yung kilala kong Athena, pala-ngiti, pala-tawa, pala-kwento, oo mataray 'yun pero etong 'Athena' na kasama ko, matigas 'yung ulo! Hindi ikaw si Athena! Poser ka, poser!"
Pakisabi nga kung ano ang dapat na reaksyon ko, matatawa o maiinis?
"Hindi kita maintindihan, Kio. Wala namang-"
"Hindi kita maintindihan, psh! Wala namang nagbago?! Hindi na nga kita makilala! Lagi mo nalang kinukulong ang mga problema mo sayo! Ang 'Athena' na kilala ko, pati ang problema sa pagtae, kinekwento sa 'kin! Pero ikaw? Wala! Parang hindi mo ako kaibigan!" Mahina pero malinaw na sabi niya, hindi ako naka-ilag doon, ah! Ni-ako nga ay hindi ko na napapansin ang ganoong bagay, pero parang si Kio, dinamdam niya talaga.

BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
Genç KurguDREAM SERIES #1 Estella Athena Smith. A former Volleyball Player from University of Santo Thomas. A known girl from school because of its talent in singing and the school's MVP in Volleyball. Sa larangang ito siya itinadhana. She is a member of an A...