Chapter 23
Third Person's POV:
Lasing at Galit. 'Yan si Estella ngayon, mas lalo lang siyang nagpaka-lasing nang malaman niya na nagkadikit sina Zyden at Amanda, pero nalasing talaga siya dahil hindi siya tinigilan ng mga tao sa paligid niyang nagbibigay ng alak, sinusuportahan naman nina Sam, Natasha at Kio ang pag-inom ni Estella dahil nga magbi-birthday na naman ito mamaya.
May plano sila.
"HOY IKAW! PUMUNTA KA DITO!" Tumawag si Estella ng isa sa mga nakaka-salubong niya.
Agad namang napalingon ang lalaking tinawag niya sa kaniya at lumapit dito. Sumingkit ang mata ni Estella at pinipilit na makilala ang lalaking nasa harapan niya.
"You're calling me?" Nagtatakang tanong ng lalaki dito, dahil nga busy sina Sam hindi nila napansin na may kausap nang lalaki si Estella, hindi na rin nataboy ni Kio ang lalaking nasa harapan nito dahil busy siya sa kakahanap ng isang tao, hindi rin masamahan ni Natasha si Estella dahil nasa gilid lang siya at patuloy sa pakikisalamuha sa ibang tao.
"Ako, 'wag mo 'kong ini-engwish-engwish ha! Nahihilo ako, wala nang oras i-process ng utak ko 'yang engwish-engwish mo!" Lasing na sabi naman ni Estella sa lalaking kaharap niya.
"Okay, sige. Ba't mo 'ko tinatawag?" Sagot naman ng lalaki, minasahe muna ni Estella saglit ang sintido niya, umaasang makilala ang lalaking nasa harapan nito.
"Samahan mo 'ko! Lonewy ako! Iniwan ako ng boyfwiend kong taga-ateneo! Nakikipag-landian pa don sa babaeng mukhang sandok!" Sigaw naman ni Estella dahilan para matawa ang lalaking nasa harapan niya. "Hoy ikaw! 'Wag mo 'kong tinatawanan! Hindi ako nakikipag-biruan!" Tinuro niya mismo ang pagmumukha ng lalaki.
"Ouch. Hindi mo ba 'ko kilala?" Tanong naman ng lalaki. Hinawakan niya ang kamay ni Estella na nasa tapat ng pagmumukha niya at binaba 'yon.
"Mukha bang nakikilala kita?! Edi sana kanina ko pa binanggit 'yung name mo! Hindi ka rin naman nagpapakila-- wait, wala akong pakialam kung anong name mo, tsaka sabi ko samahan mo lang ako dito." Dire-diretsong sabi nito habang naka-pout.
"Gusto mo sa'kin ka na lang? May nilalandi namang iba 'yung boyfriend mo, e." Sabi ng lalaki bago ngumiti kay Estella. Diniinan niya ang pagsabi ng 'nilalandi' at ng 'iba' na para bang may ibang pinaparating ito.
"HA?! ANO?! ALAM MO, KUYA.. POGI KA.. PERO SORRY TALAGA, MASYADO AKONG BALIW SA JOWA KO KAYA WALA AKONG BALAK NA IPAGPALIT SIYA SAYO, OWKAY?! GETS MO 'YON?!" Sigaw ni Estella, tinulak niya ang pagmumukha ng lalaki at aambang aalis na pero nahagip ang pulsuhan nito.
BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
RomanceDREAM SERIES #1 Estella Athena Smith. A former Volleyball Player from University of Santo Tomas. A known girl from school because of its talent in singing and the school's MVP in Volleyball. Sa larangang ito siya itinadhana. She is a member of an As...
