16

183 165 0
                                    

Liam's POV:


One week nang hindi nagpaparamdam si Madam sa amin, pati si Bossing nag-aalala na rin kung nasaan siya, sabi kasi ni Sam na umalis daw si Madam Estella pero hindi pa rin siya bumabalik ngayon.



Isang linggo na rin naka-stay si Bossing dito sa condo niya, unti-unti nga siyang naaapektuhan nung pinainom sakanya, pero hindi siya tumigil sa kakatawag kay Madam, hindi rin kasi sinasagot ang mga tawag niya.



"Zyden, stop it. She won't answer your calls." Pang-sampung suway na ni Caillen ngayong araw. Hindi din namin alam kung bakit nga ba hindi sinasagot ni Madam ang mga tawag ni Bossing.



"Nag-away ba kayo last week? 'Diba okay pa naman kayo no'n?" Sambit ni Kio.



"Yeah." Maikling sagot ni Bossing, busy siya sa kakatawag kay Madam, kaya 'wag niyo raw istorbohin, hmp! 



Okay naman ang itsura niya, hindi na siya gaanong napapawisan, hindi na rin namumutla, pero ang tanging problema lang ay ang memorya niya. Hindi naman daw amnesia 'yong nangyayari kay Bossing, gumagaling na rin siya at sabi ng Ate niya ay siguro bago matapos ang week na 'to maayos na ulit ang kalagayan ni Bossing.



Sinusulat pa ni Bossing sa damit niya ang pangalan ni Madam sa sobrang takot na makalimutan niya ito.



"Let's go out, mamamatay ako sa kwartong 'to." Masungit na sabi ni Bossing, napa-kunot naman ang noo namin.



"Aalis ka ng puro 'Estella' ang nakalagay sa damit mo?" Tanong ni Kenji, napatingin naman si Bossing sakanya.



"Why? Is there a problem?" Tinaasan niya ng kilay si Kenji, napairap naman si Kenji at lahat kami ay lumabas na sa condo niya.



"Sa'n tayo pupunta, Bossing?" Tanong ni Jake, siya ang magda-drive ngayon.



"UST." Nanlaki ang mga mata namin nang sabihin niya 'yon. Talagang lahat ng tungkol kay Madam naaalala niya.



"Wag ka nang umasa na makikita mo si Estella sa UST, ZJ." Natatawang sabi ni Kio, imposible nga namang nasa UST si Madam, kasi hindi nga siya pumapasok sa klase niya sabi ng prof niya.



"I know she's there." Seryosong sabi ni Bossing, bahala na. Silang dalawa naman 'yong mag-jowa, e. Baka malakas lang talaga pakiramdam ni Boss na nandoon si Madam.



Nagpunta nga kami sa UST at kinakabisado ni Bossing ang daan sa hindi ko malamang dahilan, baka mamaya tumakas siya sa amin at mag-isang pumunta dito. WAG MOKONG IIWAN BOSSING, SASABAY NAMAN AKO SA KATARANTADUHAN MO, EH!!!

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon