KINABUKASAN, Wala kaming pasok ngayon kaya pupunta naman ako sa bahay nina Kio dahil birthday ni Tita-Mommy, susunod nalang daw si Ate Avi doon, si Mommy naman hindi daw makakasama, babawi nalang daw siya sa bestfriend niyang si Tita-Mommy, ang nanay ni Kio.
"Iabot mo nalang to sa Tita-Mommy mo, ha? Tell her I'll treat her nalang tomorrow." Sambit ni Mommy at humalik siya sa pisngi ko, hindi daw pala siya makakasama dahil walang babantay sa bahay. Wala kasi sina Yaya dito, pati ang drivers wala rin.
Nagpasundo pa ako kay Kio dahil gagamitin ni Ate Avi ang motor niya, naka-porma talaga si Kio, naka tux pa. Sosyal kasi pag nagbibirthday ang family niya, si Tita-Mommy kasi ang may-ari sa isa sa mga successful company dito sa Manila. Ang suot ko naman ay plain black dress na backless. Pinartneran ko lang si Kio, ganern.
"Nasan ka kahapon? Hinahanap ka namin, e. Wala ka din dito sa bahay." Sambit niya nang makapasok ako sa kotse. Hindi naman pwedeng sabihin na 'Nagpunta ako ng Zepitome.' Kasi hindi naman niya alam yun.
"Nag-shopping." Sambit ko, umirap naman siya at pinaandar na ang kotse, ang kanang kamay niya ay naka-hawak sa steering wheel habang ang kaliwa naman, naka patong sa gilid ng pintuan niya.
"Ang tahimik mo, hindi ako sanay!" Reklamo niya.
"Matagal na akong tahimik!" Sambit ko naman, inirapan niya lang ako.
Nagdadadal-dal pa siya tungkol doon sa crush niyang ang tagal tagal niyang hindi sinasabi sakin!
"Naalala mo yung nalasing si Samantha kasi pumunta kami sa kabilang building?! Napikon talaga ako non! Alam mo ba--"
"Hindi ko pa alam kasi ang tagal mo magkwento." Masama niya akong tinignan.
"Ganto kasi yon.. Pumunta ako sa building nila, tapos hinanap ko siya sa mga classrooms, tas nung nakita ko siya, may kasama siyang mga lalaki!" Excited na excited talaga siya.
"Papasok na sana ako sa room niya pero nung nakita niya ako hinalikan niya yung isang lalaki doon!!!!!!" Sa sobrang diin na sabi niya napindot pa niya yung busina kaya nagitla yung pusa na nakasabit sa puno tapos tumalon siya sa puno, edi nahulog siya.
"GAGO KA! YUNG PUSA PAPATAYIN MO!" Napatingin agad ako doon sa pusa, buti naman okay lang siya.
"Pwede na akong scientist." Natatawang sabi ni Kio. Binatukan ko siya, anong scientist?!
"Naka-discover ako ng tumatalon na pusa tas naglanding na parang Superman, pwede pala yon noh?" Sambit niya, ang sarap niyang sabunutan pero sayang lang yung ayos ng buhok niya. Bumuntong-hininga nalang ako at nagdasal na sana hindi ganto ka-gago si Kael pag lumaki.
"Nandoon na sina Zyden." Sambit niya, nanlaki ang mata ko, si Zyden?! Nandoon?!
"Ha?!"
"Paulit-ulit?!" Nairita na din siya, agad naman akong nagkalkal ng salamin sa bag ko para tignan kung anong itsura ko. Nagkanda-hulog hulog pa ang mga gamit ko.
"Ampucha." Bulong niya, medyo natawa pa siya sa ginagawa ko.
Inayos ko yung buhok ko at nilugay yon para mas maganda tignan, binilisan ni Kio yung pagpapaandar ng kotse. Pucha, pinagtitripan ba ko neto?
"TEKA LANG ANTONIOOOO!!!!" Napasigaw na ako dahil mas mabilis pa siya magdrive kay Jiara, binubusinahan na siya ng mga kotse sa likod namin dahil nag-overtake siya kahit hindi pwede!
Mabilis kaming nakarating sa bahay nila, kaya nainis ako! Hindi ko tuloy naayos yung itsura ko. Padabog akong bumaba sa kotse habang siya tawa nang tawa.
BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
RomanceDREAM SERIES #1 Estella Athena Smith. A former Volleyball Player from University of Santo Tomas. A known girl from school because of its talent in singing and the school's MVP in Volleyball. Sa larangang ito siya itinadhana. She is a member of an As...
