Chapter 40
Estella's POV:
"Totoo ba?! Ang bilis kumalat ng balita!"
"Ha? E' kung ganoon, e 'di paano na sila ni.. Miss Ascella?"
Paglabas ko pa lang ng base nina Ate Ariana ay kalat na kalat na agad ang balita sa buong Zepitome, the news was like uploaded 2 minutes ago, ang bilis naman yatang makarating no'n sa Japan.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak matapos kong madaanan ang ibang mga members ng Zepitome, hindi ko rin alam kung bakit may humila sa akin at dinala ako sa garden sa likod. Hindi ko na alam kung anong nangyari pero nakikita ko ang sarili kong umiiyak sa bisig ng isang tao.
"It's okay to cry," He said. Lalo lang tuloy ako naiyak nang mapagtantong napaka familiar ng boses na iyon, "I told you, I'm always here.." Marahan niyang hinaplos ang ulo ko habang hikbi pa rin ako ng hikbi. "Sakto lang pala ang dating ko," He whispered. Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi, ngumuso siya sa akin at parang kaunti na lang ay tatawa na.
"Hayop ka, nandito ka na naman tapos uuwi ka rin naman pala agad," I said, umirap ako at pinunasan ang mga luha ko.
"'Wag mo ngang ibahin ang usapan, nabalitaan mo na?" Tanong niya sa akin. Lalo lang tuloy sumama ang tingin ko sa kaniya! Napaka sama, bakit ba ako iiyak kung hindi ko nabalitaan, 'di ba?! "Ay, mali palang magtanong ng obvious na." He chuckled before hugging me once more.
"Kaya ako nagpunta rito kasi alam ko namang iiyak ka ulit, e." Patago akong umirap at mahinang hinampas ang likod niya, "Sabi na na-miss mo ako," Humagikgik ito na para bang bata!
"Baliw ka rin, uunahan na nga kita, anong ginagawa mo rito at kailan ka uuwi?"
Bumitaw ulit siya sa yakap at sumimangot sa akin, siguro ay guilty siyang uuwi na siya agad, palulungkutin lang nito si Aiden, e.
Hindi niya sinagot ang tanong ko, sa halip ay nagpunta kami roon sa Mall at sabay na kumain ng lunch, pagtapos ay binilhan niya ng pagkain si Aiden, at saka bumili na rin siya ng ice cream.
Inabutan niya ako no'ng cookies and cream pero napatitig lang ako roon.
Gusto kong saksakin ang sarili ko dahil parang lahat nalang ng nakikita ko ay parang may koneksyon kay Zyden, pati ba naman sa ice cream ay siya pa rin ang iniisip ko? Jusko naman, Athena, 'wag kang tanga! Bitaw na, bitaw na! May fiance na siya, okay?
"Mahal mo pa Kuya ko, 'no?"

BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
Teen FictionDREAM SERIES #1 Estella Athena Smith. A former Volleyball Player from University of Santo Thomas. A known girl from school because of its talent in singing and the school's MVP in Volleyball. Sa larangang ito siya itinadhana. She is a member of an A...