37

25 15 0
                                    

Estella's POV:


"What was that for, Miko?! Pati ba naman 'yong kasamahan ko rito, papatulan mo pa?" I hissed. What is his problem? Sabi nang misunderstanding lang 'yon, eh, tapos hindi pa rin siya nagpatinag, muntik niya pang masaktan si Kenzo!


"Bakit mo ba pinapagtanggol 'yon? Imbis na ako 'yong ipagtanggol mo, sa kaniya pa rin," Maarteng sagot nito, para bang nagpapaawa pa para hindi ko na mabungangaan.


"Are you saying that I'm taking sides? I'm not, Miko. I was just asking you kung bakit hindi mo na lang inayos 'yong usapan niyo, muntik mo pa siyang masaktan!" I added. Kapag nasaktan si Kenzo ay ako ang malalagot, ihinabilin sa 'kin ni Ate Avi ang lalaki dahil nga ako ang naging mas ka-close no'n. Hindi pwedeng masaktan 'yon si Kenzo dahil kapag napagod 'yon ay hihikain siya!


"At kapag ako ang nasaktan, ayos lang?" He shot back, umirap pa ito bago naglakad ng mas mabilis. Papasok na kami sa resort at papunta na sa buhanginan dahil naroon sina baby AZ.


"You're acting so immature, Miko!" I shouted. Napatigil siya sa kinatatayuan niya at hinarap ako. Kinabahan ako no'ng humarap siya sa 'kin at nakita ko ang malulungkot niyang mga mata. Unti-unti siyang naglakad papalapit sa 'kin kaya napatigil ako.


"Talaga bang 'yon lang ang tinatanong mo? Kung bakit ko ginawa 'yon?" He asked in his deep voice. I nodded.


"O', baka naman gusto mong malaman 'yong ibigsabihin ng huli kong sinabi?" He raised a brow. Hindi ko alam kung maiinis ako o magagalit. I'm guilty that I wanted to understand what he just said. "See? You're speechless, alam nating dalawa ang ibigsabihin no'n, Estella." He smiled and held my hand to pull me para makapunta kina Kuya Jax.


Hindi ko pa rin alam ang mararamdaman ko sa sinabi ni Miko. Matalo? Si Kenzo? Against who? Zyden? Bakit matatalo? Did they even fight? Or there's a much more complicated definition?


"Hala, si Miko!" 


"Oh my gosh, si Miko 'yan 'di ba?"


"Why is he here? Pinayagan siya ni Boss Jax?"


"OMG, papicture tayo mamaya!"


"Hala, 'di ba dapat nasa Philippines siya?"


Iba't ibang reaksyon ang narinig ko sa mga miyembro ng Zepitome. Halos lahat sila ay napatingin sa direksyon namin ni Miko habang tumatakbo kami papunta sa tabing dagat. Naroon kasi silang lahat.


"Uy, Ascella!" Napatigil kami ni Miko nang may marinig kaming tumawag sa 'kin, sina Hunter lang pala, 'yong ibang mga kasamahan ni Kenzo dito sa Japan, "Ang bilis mo naman? Akala ko pupunta ka lang sa banyo?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Hunter.


"Ha? Ako, pupunta sa banyo? E' sinundo ko 'tong si Miko, eh," Sagot ko naman. Wala akong maalala na nagsabi sa kanilang pupunta ako sa banyo.


"Hahaha, nananaginip siguro ng gising 'tong si Hunter, ano ka ba, p're? Lasing ka na ba agad?" Tawa ni Ryker, kapatid ni Kenzo. Tumingin sa 'min si Ryker at natulala pa siya no'ng nakita kung sinong kasama ko. "M-Miko."

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon