5

235 203 1
                                    

Chapter 5


Estella's POV:

Mariin akong napapikit, nandito ako ngayon sa pinaka sulok ng eskwelahan namin, kasama ko si Asher, ang kaibigan ko sa Midnights.




"Tama na. Tumahan ka na. Hindi na'ko natutuwa." Seryosong sabi sakin ni Asher, hindi ako basta-bastang umiiyak, naaalala ko, huling iyak ko pa ay 3 years ago. Hindi ako matignan ni Asher dahil hindi siya sanay na makita akong umiyak, ngayon lang ata niya ako nakitang umiyak sa pitong taon naming pagkakaibigan.



Kinalma ko na ang sarili ko at doon niya ako hinarap, diretso lang siyang nakatingin sakin, walang emosyon ang mukha, it scares me. Hindi naman siya ganto, pala-biro 'to e. Siya ang clown ng grupo namin sa Zepitome. Ang Zepitome, ang lugar kung saan nabuo ang friendship naming lima. Ako bilang ang fighter at shooter, Si Asher bilang ang sniper at clown, Si Addy bilang ang medic at mataray, Si Jazmine bilang ang magaling sa mga computer at siya rin ang partner ni Asher sa kalokohan, si Jacob bilang ang partner ni Addy sa medic, at ang pangatlo sa pinaka magaling bumaril. Ako ang una, sumunod si Asher, at pangatlo siya.



Wala nang komunikasyon saaming magkakaibigan matapos ang tatlong taon, humiwalay ako sa kanila. 'Midnight' ang pangalan ng grupo namin, magaling kaming makipag-laban sa dilim. Umalis ako sa Zepitome dahil umaasa akong mamumuhay pa ako ng matiwasay, nangyari naman iyon, pero may mga laban pa rin akong natatamo. Si Kuya Jax ang nagpapatakbo ng Zepitome ngayon, dati si Ate. Maraming manlalaban roon. Sa mga bata ay kami ang pinaka magaling. Sa mga matatanda ay ang grupo nina Ate.. dati.



Wala si Ate Avi dahil ayaw raw niyang sumama. Pero paminsan-minsan ay naroon siya dati dahil kay Kuya Yuri at para makapag-training. Itinayo iyon ni Ate Ariana para saamin, para matuto kaming makipaglaban. Planado niya ang lahat. Natuto akong ipaglaban ang sarili ko, at nawala siya. Siguro ay siniguro niya muna para hindi na siya ang poprotekta saakin.



"Ano tapos ka na?" Tanong ni Asher sakin, tinapunan ko lang siya ng tingin at inayos ko na ang itsura ko. Matapang ako sa outside world, pero mahina ako sa Zepitome.



"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Asher, imposibleng napadaan lang siya dito, siguradong may ipinapasabi nanaman si Kuya Jaxvien.



"Ibabalik ang kaso sa Ate mo." Diretsong sabi niya. Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Nanakit iyon, sa kagustuhan kong sampalin si Asher ay hindi ko magawa. Kinuyom ko nalang ang kamao ko.



"A-ano?" Madiing sabi ko, nararamdaman na ni Asher na galit ako sa sinabi niya. Anong karapatan nilang ibalik iyon? Bakit ngayon lang? Hindi ba sila nagka-utak noon?



Hindi umimik si Asher kaya lalong nag-init ang ulo ko. Kinuha ko ang phone niya sa bulsa niya at kinagulat naman niya iyon.



Tinawagan ko si Kuya Jaxvien. Hindi na 'ko natatakot sa kaniya, simula nang hindi niya kami pansinin.




Ringing..




Bawat ring ay lalong bumibigat ang paghinga ko. Ngayon nalang kita ulit makakausap, Jax.




[Hello? Asher?] Sagot ni Kuya Jax sa kabilang linya.




"Ascella." Seryosong sabi ko.




Natahimik ang kabilang linya kaya nagsalita na agad ako.




"Anong pumasok sa kokote niyo at hahanapin niyo na siya?"  Tanong ko. Pati ako natakot sa boses ko, huminga ng malalim si Asher sa tabi ko. Hindi siya mapakali pero nang titigan ko siya napatigil siya sa paglalakad.




Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon