9

215 186 1
                                    

Estella's POV:

Nakarating na kami sa bahay at ginabi pa kami dahil anong oras na akong nagising, plus may traffic pa. Hindi ako makapaniwalang pinayagan ni Mommy na matulog si Zyden sa bahay, ngayon lang nangyari yan. Paano niya napagkatiwalaan agad si Zyden?! E ngayon lang ata sila nagkita?! Sabi niya si Zyden at Kio daw ang magbabantay sakin!



"Oh em gee!! You're here!! Welcome, welcome! Pasok ka, Zyden!" Napaka-hyper ni Mommy, talagang iba ang tama niya sa mga gwapo. Talagang nag-dress pa siya at make-up!



"Gosh! Did you eat already? I bet not! Come here! Dito tayo! I prepared food for you!" Masayang sabi ni Mommy, napairap kami ni Ate Avi, hindi manlang kami pinansin! Kami ang anak dito! Baka awayin ko pa yan si Zyden dahil baka isipin ni Mommy siya na ang anak niya! Hmp!



"Hi, Mader! Nandito din kami." Sambit ni Kio, nagkibit-balikat kaming tatlo dahil nakakapang-selos ha! Porket gwapo yan si Zyden! 



"Tss! Kumain na ba kayo? Malamang hindi, kaya umupo na kayong tatlo don, mag-iinarte pa kayo diyan!" Masungit na sabi ni Mommy, natawa naman si Zyden na nasa gilid ko. Siniko ko siya sa tiyan niya kaya mas lalo siyang natawa.



Inalalayan niya akong maglakad papunta sa dining area, nakahawak siya sa bewang ko habang ako naman iika-ikang maglakad.



"Okaaay!! Kain na tayo!!" Masayang sambit ni Kio, kukuha na sana siya ng chicken pero pinalo ni Mommy ang kamay niya, ngumuso naman si Kio.



"Pray muna!" Pagpapaalala ni Mommy. Nagdasal na kami at sabay-sabay na kumain, inaalala ko tuloy sina Sam kung naka-uwi na, gabi na kasi at hindi pa sanay masyado si Jiara magdrive kapag gabi. Hindi talaga ako mapakali.



Napabuntong hininga ako at kinuha ang phone ko habang patago na tinawagan si Sam.



"Hello?" Sagot ko sa tawag.



[Oy! Napatawag ka? Naka-uwi na ba kayo?] Sagot naman niya, nakahinga ako ng maayos na ayos lang ang kalagayan nila. Inaalala ko kasi ang sinabi ni Adrian.



"Ah, oo. Nasaan na kayo?" Naririnig ko kasing may mga busina pa.



[Ha? Uhm, nasa ano kami. Nasaan nga ba to Jia?] Parang nabigla pa siya sa sinabi ko.



"Hello? Nasaan kayo?" Pag-ulit ko.



[Nasa katipunan pa, may binili kasi sina Jake.] Ang layo naman ng dinayo nila!

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon