28

110 81 0
                                    

Estella's POV:


"Estella Athena." Mabilis na bumigay ang mga tuhod ko nang banggitin niya ang pangalan ko, ngayon pa lang ay naguguluhan na talaga ako, paano? Paano ko siya nakikita sa harapan ko, paano ko nararamdaman ang presensya niya, ang alam ko patay na siya, ang alam ko iniwan na niya kami, pero..


"Bakit ka pa bumalik?" Nakita kong tumulo ang luha niya pero nanatili siyang nakangiti sa akin, lumabas ng kwarto sina Ate Avi hanggang sa kami nalang ang natira ng babaeng nasa harapan ko, ni-ayaw ko siyang tawagin muling 'Ate' dahil hindi ko alam kung may rason pa ba para tawagin siyang ganoon.


"Athena, hindi naman ako umalis.." Her voice broke, ako naman 'tong natawa habang nakatungo, nakaluhod ako ngayon dahil hindi kinaya ng tuhod ko ang presensya niya, tama bang ngayon ko siya nakita? Tama bang nagpakita pa siya?


Ayoko nang maniwala sa sinasabi niya, ayoko nanamang mahulog ang loob ko sakanya dahil alam kong iiwanan na naman niya ako. Kami.


"I was always beside you, Athena.. Nagmamasid ako sa 'yo.. Palagi.." Napalunok ako, sa tingin ko ay kasinungalingan lang lahat ng lumalabas sa bibig niya para paamuhin ako, para maniwala nanaman ako sa kasinungalingan! Mas masakit na alam pala lahat ng mga kaibigan ko ang tungkol sa babaeng 'to, alam pala nilang buhay siya, pati ba si Ate Avi? Alam niya rin? Malamang, kailan ba siya nahuli sa mga bagay-bagay.


Alam din ni Zyden, ang lalaking mahal ko, alam niya. Pero kahit kailan ay hindi siya nag-abalang sabihin sa 'kin. Bakit?


"Sana hindi ka nalang bumalik o kaya sana hindi ka nalang nagpakita sa 'kin, sana tinago niyo nalang, sana hindi ko nalang nalaman, nang hindi ako nasasaktan ng ganito, sana lang." Diretso kong sambit, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, noon halos magkandarapa-rapa kaming pagtakpan ang Zepitome sa pagkamatay niya, tapos ngayon, out of nowhere magpapakita siya?


"Naiintindihan kita.. Alam kong galit ka kay Ate-" 


"HINDI KITA ATE! 'DI BA MAY KAPATID KANA?! 'DI BA MAY SARILI KA NANG PAMILYA?! 'DI BA INIWAN MO ANG SARILI MONG PAMILYA?! 'DI BA INIWAN MO AKO?! NGAYONG NAKATAYO NA AKO SA SARILI KONG MGA PAA, BABALIK KANA?! SA TINGIN MO BA MAWAWALA AGAD ANG GALIT KO SA 'YO?! NAGKAKAMALI KA!" Huminga ako ng malalim sa paninigaw ko sa kaniya, nag-eexppect ako ng sampal mula sa kaniya pero wala akong natanggap, ayaw niya ng sinisigawan siya o kaya tinataasan ng boses, ngayon ko lang siya nasigawan sa buong buhay ko. Alam ko namang may pamilya na siya kahit hindi niya sabihin, bakit ba niya kami iiwan kung hindi dahil doon. 


Ginamit ko ang buong lakas ko para tumayo nang matapatan siya, hindi ako mahina.


"Baka nakakalimutan mong sinubukan kong patayin ang sarili ko para makuha ang atensyon mo, binaril ko ang sarili ko, ilang beses kong pinagsasaksak ang katawan ko, nagbabaka-sakaling babalik ka, alam kong hindi ka patay nung mga panahong 'yon, 'di ba? Nag-agaw buhay ako sa ospital, pero ikaw, nasaan ka? Doon ko napatunayang wala lang ako sa 'yo. Kaya kung ineexpect mong mapapatawad kita, hindi.. hinding-hindi na kita mapapatawad, kaya 'wag na 'wag kang lalapit sa 'kin at 'wag na 'wag kang lalapit sa pamilya KO." 'Yon ang mga binitawan kong salita sa kaniya bago ko siya iniwang umiiyak sa mga sinabi ko.

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon