PROLOGUE

623 225 7
                                    

Prologue

"Totoo ba 'yon? May boyfriend na siya 'pagkatapos niyang iwanan si Captain Z dito?"


Tama nga ang hinala ko. 'Yon at 'yon ang pag-uusapan nila dito. Move on na naman, oh. Mas nauna pa 'kong naka-move on sa inyo, eh.


Kasama ko si Miko, ang isa sa mga star players ng Ateneo, pero sabi ko sa kanya 'wag siyang didikit sakin dahil siguradong mag-viviral kami, wala namang ginawa ang mga fans niya kundi magduda sa 'kin. Ako na lang ang laging mali. 


Sorry, sad girl hours. Char!


Matapos ang limang taon, sa wakas ay naka-uwi na rin kami. Hindi ko naman ineexpect na kahit ang pag-uwi namin ay magvi-viral. 'Yon pala ay dahil kay Miko. Isang taon din kasi siyang nanatili kasama namin sa Japan. Kaya ayon, pinaghahanap siya ng fans niya sa bigla niyang pag-alis.


Hindi ko nalang pinansin ang mga reporters na naka-palibot sa 'min. Akala siguro nila ay kasama ko si Miko. Kaso nga lang ay nauna na siya sa 'kin kasama ang buong Zepitome. Pinabantay ko muna sa kanila si AZ, kampante naman ako ro'n kahit wala si Ate Avi dahil kasama niya si Miko at ang Midnights.


Mauuna na sila sa bahay ni Miko dahil naroon si Mommy sa bahay. Ako naman, tutungo sa office ni Ate Avi. Sabi niya ay may padadaanan daw muna siya sa 'kin bago ako pumunta sa bahay.


"Kuya Rico, sa office po muna tayo." Wika ko sa driver. 


Pinagmamasdan ko ang daan dito sa Pilipinas, limang taon rin akong 'di nakauwi rito. Sa t'wing nakakakita ako ng billboards ay naaalala ko 'yong mga kaibigan ko. Pangarap kasi talaga nilang magkaroon ng sariling ganoon. Lalo na si Kio, ang bestfriend ko. 


Ang totoo nga niyan, lahat sila successful na marahil nababasa ko sa mga articles. Limang taon ko rin silang 'di nakausap o nakita manlang. Namimiss ko na sila.


"Ma'am Estella, siya ho 'yon, 'di ba?" Napatingin ako ro'n sa tinuturo ni Kuya Rico. "Hindi sa nang-aasar, ha? Pero ang gwapo nga talaga niyang binata."


"Wala naman ho akong sinasabing nang-aasar kayo," Tumatawang saad ko. "Tsaka Kuya, may kanya-kanya na kaming mga buhay, pareho na kaming naka move-on. Tsaka, past is past. Pareho na kaming masaya," Dagdag ko pa, I genuinely smiled. It's true, masaya na ako, masaya na siya. Wala na dapat problemahin. 


Muli akong napatitig sa billboard niya, he changed. Gwapo pa rin siya, oo. Hindi naman mababago 'yon. His aura was a bit darker, and his face looked more serious. Mas lalo lang siyang gumwapo. Wow, what am I even saying? 


Successful na siyang engineer, 'yon lang ang nabanggit sa 'kin ni Miko dahil nga iniiwasan ko na ang mga topic na tungkol sa kaniya. It still stings kahit sinasabi ko nang naka-move on ako. It was my fault so wala akong karapatan na humarap sa kaniya. Hindi ko nga alam kung may mukha pa 'kong ihaharap sa kaniya. 


"Naka-move on ka na sa lagay na 'yan, Ma'am?" Nang tigan ko ang rear-view mirror ay nahuli ko ang mapang-lokong ngisi ni Kuya Rico. Tumawa naman siya nang malakas bago nagfocus nalang sa daan.

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon