Estella's POV:
"CHEERS!"
Narito kami ngayon sa Neons, isang buwan na ring naka-lipas matapos na manalo ang Ateneo Blue Eagles, at matapos namin aminin na 'kami' na nga ni Zy sa lahat.
Hindi namin kasama ang boys ngayon, kami-kami lang ang gumala ng girls, 'girls night' ba kamo. Mag-bobonding na rin kami dahil magse-second year na kami. Malapit-lapit na rin kami sa katotohanan. Pinag-uusapan namin ngayon kung ano 'yong mga pwedeng mangyari kapag naka-graduate na kami.
At mukhang hindi ako magiging masaya no'n dahil, pagkatapos na pagkatapos ng graduation, aalis na ako papuntang Japan, hindi pa rin nila alam 'yon dahil parang ayoko pang ipa-alam, gusto ko na nga lang muna makalimutan ang pag-alis ko, e. Kung pwedeng dito nalang ako, kaso.. hahanapin ko pa si Ate Ariana, 'yon naman ang plano bago ko pa pasukin 'tong sitwasyong 'to.
Hindi ko naman aakalaing ngayon palang ay masasaktan na ako, pa'no pa kaya kung naroon na ako? Nakakatakot, parang nawalan na rin ako ng mas marami pang kapatid.
"Pag naka-graduate na tayo, sure ako! Architect na 'tong dalawang 'to!" Tinuro ni Jiara kaming dalawa ni Sam, 'yon talaga ang gusto namin ni Samantha simula pagka-bata, highschool palang kami, inaaral na namin ang pagiging Architect. Kaya nga tuwang-tuwa sa 'min si Mommy at si Tita Sarah, ang mama ni Sam. Talagang kitang-kita raw sa amin na gustong-gusto raw namin na maging architect.
"Siyempre! Matagal na nga naming na-plano 'yung 'Dream House' namin ni Estella, e!" Masayang sabi ni Sam, pareho naming drinawing ang 'Dream House' namin noon, siguro matagal-tagal na rin 'yon. 'Yun rin 'yong nakita ni Kio sa dorm namin, siguro babaguhin na rin namin 'yon dahil mas marami na kaming alam, tsaka plano ko ring tanungin si Zyden, baka sakali. Siya pa ang maging Engineer ng bahay.
"Tapos.. ganap nang Flight Attendant si Natasha! Tapos si Ashlee naman.. model na! Tapos ako.. ako pa rin. Char! Magiging Artista na ako!" Masayang sabi ni Jiara.
"Wait.. after we graduate, where should we celebrate?" Inosenteng tanong ni Ashlee, napa-iwas naman ako ng tingin at pinagmasdan nalang ang mga sumasayaw sa dance floor, kaya ayaw kong pinag-uusapan ang ganitong mga bagay, e. Baka may ma-bring up o baka may maalala nanaman ako.
"Punta tayo sa beach!!" Masayang suggest ni Samantha, kumuha pa ulit ako ng isang baso. Gusto ko nang um-exit, ayoko nang marinig 'yong pinag-uusapan nila.
Napako ang tingin sa 'kin ni Natasha at mukhang nagtatanong kung 'okay lang ako'. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Ano 'yan? Silent conversation? Share naman!" Masayang sabi ni Jiara bago siya tumawa ng malakas, mukhang tinatamaan na ng iniinom. Si Natasha ang mukhang mas mabigat 'yong pino-problema dahil marami na rin siyang naiinom.
BINABASA MO ANG
Sa Iyong Ngiti
RomanceDREAM SERIES #1 Estella Athena Smith. A former Volleyball Player from University of Santo Tomas. A known girl from school because of its talent in singing and the school's MVP in Volleyball. Sa larangang ito siya itinadhana. She is a member of an As...
