3

257 212 3
                                    

Chapter 3


"Kayo?!" Sigaw ng mga babae sa likod namin. Hindi din ako naniniwala okay? Hindi kayo nag-iisa. Galit ang nakikita ko sa mga mukha sa kanila habang naka-nganga na hindi talaga makapaniwala.




"Kami." Naka-ngiting sabi ni Zyden habang naka-tingin sa'kin, nakakapang-asar 'yong mukha niya! Argh! Nakipag-apir pa siya kay Liam.


Ano bang problema neto?! Wala naman akong ginagawa sa kaniya, ah!


Siniko ko si Kio dahil konti nalang talaga mapipikon na ako e. Napatingin naman siya sa'kin, bat hindi niya napapansin yung ginagawa ni Zyden?! Dati kapag may lalaking namimikon sakin, nireresbakan ni Kio e! 




"Palit tayo." Bulong ko sakanya, wala siyang magagawa dahil napipikon na ako. Tumayo siya at tumayo na rin ako para umupo sa upuan niya kanina. Natawa naman sina Sam pero kasabay non ay ang pagtayo ni Zyden.




Napasapo ako sa noo ko nang tumayo din si Samantha na nasa tabi ko at nagpalit sila ni Zyden ng upuan. 



Tanginang 'to.




Hindi talaga ako tinigilan ni Zyden at pinapanood niya lang akong magbasa ng cheer namin ng Red Team. May dinidiscuss si Miss Fea sa harapan pero hindi nakikinig si Zyden, as in sakin siya nakatingin. Siguro kung kaklase ko to pinili ko nalang mamatay.




At dahil napipikon na ako sakanya, binagsak ko ang papel sa mesa na nasa harapan ko na gumawa ng malakas na tunog, napa-tigil din si Miss Fea sa pagsasalita sa harapan, pati ang pag-iingay ng mga kasama kong students, natahimik.




Pero tinignan ko si Zyden, sa seryosong mata.




"Hindi mo ba ko tatantanan?" Peke akong ngumiti sa kaniya, ngumiti lang siya sakin, nagawa niya pa talagang ngumiti! 



Napatigil ako nang magsimulang magreact ng dibdib ko!




"Hindi." Pala-birong sabi niya. Nagdadabog na ako sa harapan ng Red Team at ng Coach namin. Bumigat ang paghinga ko kaya umiwas ako ng tingin sa kaniya. 



Tumayo ako at nagpaalam kay Ms. Fea na pupunta ako sa CR, at dali-dali akong lumabas.




"Hay! Salamat, nakahinga din." Maluwag na sabi ko nang makalabas sa classroom, gusto ko nang umuwi! Ang pangit ng araw ko ngayon! Nakakawala sa mood! Lalo na 'yung bigla bigla nalang kakabog 'yung dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan! Sakit ba 'yon? May sakit ba 'ko??



Baka pwede ko 'yong i-dahilan para maka-alis ako sa pagiging muse! Hindi naman ako fit diyan sa mga muse muse na 'yan, kaartehan!




Papasok na ako ng CR pero may humila na agad sa kamay ko at nagtungo kami papunta sa ramp! Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Zyden sa harapan ko. Ilan bang 'Zyden' ang mayroon sa school namin?! Kung saan saan siya sumusulpot! 




"Ano ba, Zyden? Ano bang gusto mo? Hindi na kita pinakekealaman! Tahimik lang 'yong buhay ko noon pero nung dumating ka inis na inis na 'ko! Nakakapikon ka na alam mo ba 'yon? Ha? Ayaw na kitang makita. Pwede ba, 'wag ako 'yung guluhin mo! 'Di ba may natitipuhan kang babae? Siya 'yung pagtuunan mo ng oras! Pwede ba?" Kalmadong sabi ko, tinanggal ko rin ang hawak niya sa kamay ko dahil nasasanay na siya don. Umiwas ako ng tingin dahil ang hirap tumitig sa kaniya lalo na at ang lapit namin sa isa't isa! Sino bang nagpagawa ng ramp na 'to?!




Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon