Chapter 5

29 3 1
                                    

Chapter 5

"Tumingin ka sa dinadaanan mo," walang emosyong sabi niya. Ang gwapo ng boses!

"Uhm... S-Sorry," nauutal na sabi ko.

Ano ba yan nakakahiya tuloy!

"Altair, dude let's go," sigaw ng kung sino sa likod ko.

"Wait a second!" sagot naman ni Mr. Cute. Ah so Altair pala ang name niya.

"Uhm... I am—" naputol ang sasabihin ko nang muling nagsalita ang kaibigan ni Altair. "Oh hi miss, I'm sorry to interrupt you but... Altair needs to go now."

"Oh I see," I replied. "Dude, we can't be late or we'll miss the oppurtunity," I heard him whisper to Altair before going.

Sinulyapan niya lang ako at sumunod na rin siya sa mga kaibigan. Ilang sandali rin ako natulala bago tuluyang pumunta kila Thea.

Gosh, he's so hot!

Pagkarating ko sa bench sa may main gate ay nakita kong naka-upo habang nagku-kuwentuhan sila Cindy. Ako na lang pala ang kulang

"Girls..." saad ko na nagpabaling ng tingin nila papunta sa'kin

"Girl, ang tagal ko ah! Nauna pa sa'yo si Ashtreya," sabi ni Cindy na may bahid ng panunuya.

"Kailangan talaga Ashtreya? Eww, Ash nga kasi, Ash!" pagmamaktol naman ni Ash. Tumawa naman kami.

"Uhm, sorry hehe. Maaga pa naman." I smiled. I remembered what happened.

"So bakit ka nga late?"

Bigla ako nakaramdam ng hiya. "Muntik na kasi ako mahulog sa hagdaan habang tinetext ko si Kuya, buti may humamblot sa'kin," Sagot ko habang pilit tinatago ang hiya.

"Oh my gosh Trixie! A boy?" I shyly nodded. "Gosh, it happened several times already that a boy saved you from your clumsiness." Cindy sighed in disbelief and we all laughed.

"Sana kapag natalisod ako may sumalo rin sa'kin!" dagdag pa ni Thea na lalong nagpatawa sa'kin.

"But wait, why are you blushing, huh Bellatrix?" Ash teased.

"Eh... si Altair pala kasi yung humablot sa'kin." Lalo akong namula nang maalala ang nangyari kanina.

"Sinong Altair? Classmate mo?" tanong nila.

Oo nga pala, hindi pa nila alam pangalanan ni Mr. Cute. "Si Altair 'yong pogi sa cafeteria. 'Yung nakita ni Cindy," halos ibulong ko na lang dahil sa hiya.

Cindy giggled and said, "So, bet mo? Okay lang sa'kin, may nakita ako pogi, kaklase ko pa!"

"Oh sa'yo na daw Trixie. Madami pa naman reserve yan si Cin, halos lahat yata ng lugar may nakikita 'yang gwapo," si Thea na si Cindy naman ang inasar.

"Hey, tara na sa mall. Sasabay ako sa'yo Cindy, do'n na 'ko susunduin ni Kuya."

"Alright!"

Nang makarating sa mall ay pumunta na agad kami sa resto para kumain. Mabilis naman kaming natapos dahil puro light meal lang ang in-order namin. Mag-iikot pa sana kami kaya lang ay pinapauwi si Thea ng mommy n'ya.

Itinext ko na rin si Kuya para sunduin ako. After some minutes nakita ko na ang kotse, si Kuya na 'to. "Hi Kuya!" bati ko agad sa kanya. Good mood pa 'ko dahil kay Altair.

"How's school?" Kuya asked while opening the shotgun seat for me. "Come on Kuya! You're acting like I'm a sort of elementary students!" We both laughed because of my reaction.

Pagkadating sa bahay ay agad kong tinungo ang kuwarto ko. Naglinis ako ng katawan bago humiga sa kama. I don't have something to do so an idea flashed on my mind. Hahanapin ko ang facebook account ni Altair!

I logged in my Instagram account then start searching for Altair's. Gosh, ang daming Altair! I tried to check each profile to see if it was him. Luckily, I found his account. He was wearing a botton down polo and jeans in his profile picture. He looks so handsome!

Wala na akong ibang ma-view dahil naka-private ang account niya.

Sayang!

I sent him a follow request and leave a message. Sana lang ay mabasa niya.

To: JakeAltair

Hi, I'm Trixie Dixon. I'm in my last year. Ako yung muntik nang malaglag sa hagdan kanina. I just want to say sorry and thank you na rin sa ginawa mo. Hope to be friends with you:))

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga so I decided to check if Altair accepted my follow request. I was shocked that he did and he also replied to my message!

From: JakeAltair

No problem.

To: JakeAltair

So, how shall I call you?

I giggled before sending my message. He immediately replied. Wow!

From: JakeAltair

Altair will do.

Magrereply pa sana ako pero wala na ako maisagot kaya hinayaan ko na lang. Sinimulan ko na maghanda para sa school.

Mabilis lumipas ang mga araw at na sa kalagitnaan na kami ng school year. Malapit na ako maging engineer! Nga lang, 'di na ako masyadong nakakalabas kasama sila Cindy at hindi ko na rin nakikita si Altair.

"Trixie, anak, Kain na!" Mom said as I walked downstairs.

Pagkatapos ng almusal ay nagpaalam na rin ako para makapasok na sa school. Medyo natraffic ako kaya eksaktong ala sais na ako nakadating sa school. Halos takbuhin ko na ang daan papuntang room. Pagkapasok ko ay wala pa naman ang professor ngunit isa na lang ang bakanteng upuan.

Gosh! Muntik na 'ko do'n!

Saktong pag-upo ko ay siya ring pagdating ng professor. "Goodmorning Class," Bungad niya.

"So as you all know, our school's foundation day is fast approaching. So aside from the booths, the school will also conduct Mr. and Ms. STI Tagaytay and a Spoken Poetry Contest. May I see those interested?" he explained. "So 'yung sa pageant muna."

Nagtaas agad ako ng kamay, nakita ko na tanging ako lang ang nagtaas ng kamay sa mga babae.

"Miss Dixon? Since ikaw lang ang interested, ikaw na ang representative ng section n'yo." Nag-palakpakan naman ang mga kaklase ko.

"Goodluck!" rinig kong sabi nila

I was happy that everyone agreed on that. Maybe because they used to see me joining pageants like this. Of course, I'm the talented Bellatrix Dixon.

Mabilis natapos ang morning class ko at lunch break na ngayon. May klase pa si Thea kaya kami muna nila Cin at Ash ang sabay na maglalunch.

"Girls, I'll represent my section for the upcoming Mr. and Ms. STI Tagaytay!" I exclaimed out of excitement. "Last year kasi diba na-postponed so 'di ako nakasali but now, I've got the chance!" dagdag ko pa.

"Oh! So same pala kayo ni Thea, I heard sasali rin siya. Gosh, I'm so excited!" Ash said.

So magkalaban pala kami ni Thea. This doesn't seem right. Paano 'to? I wanted to join this ever since my freshman year. Ayos lang kaya kay Thea na maging magkalaban kami? Or should I just back out? Hell no! I'm a Dixon!

Wounded Heart (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon