Chapter 2

47 2 0
                                    

Chapter 2

"Oh my gosh!" Saka ko lamang nakita ang kamay ko nang balingan ito ng lalaking nakabungguan ko.

He get his handkerchief and handed it to me. Agad ko naman 'yong kinuha at ipinunas sa kamay ko.

Mabuti na lamang at maliit na bahagi lamang ng kamay ko ang natapunan kaya maliit lang ang paso. Nga lang... medyo namanhid ang parteng iyon.

"I'm sorry miss. Ah... I have a first aid kit in my car. I can get that. Just wait here, I guess?" he said. Bakas sa mukha niya ang hindi pagiging komportable. He seems to be an introvert that this little 'encounter' bothered him.

"No need! I aslo have my first aid in the car and besides, it's my fault. So no worries. It's just a little wound," I replied. Mahapdi yung sugat pero kasalanan ko naman kaya hindi ko p'wedeng isisi sa kanya. Besides, baka matagalan pa kung hihintayin ko siya.

"Are you sure, miss?"

"Yes. Uhm, excuse me, mauuna na 'ko," paalam ko at tipid na ngumiti. Tumango naman siya.

Pinuntahan ko na sila Cindy na siguradong nag-iintay na sa'kin. Pagka-pasok ko ay dali dali kong hinanap ang first aid kit ni Cindy sa sasakyan.

"Cin, nasaan yung first aid mo? Pahiram ako."

"Andiyan sa may right side. Paki-abot na lang, Ash," sagot ni Cindy habang nakahawak sa steering wheel ng sasakyan.

"Bakit ba girl, anong nang—" hindi na natapos ni Ash ang sasabihin nang makita ang kamay ko. Napatakip pa siya ng bibig niya.

Ang OA! I rolled my eyes because of her reaction. Parang kung ano na ang nangyari sa'kin dahil sa reaksyon niya.

"Hala! Napano yan?" tanong naman ni Thea. "May sugat ka, Trix?" si Cindy na hindi makalingon dahil siya ang nag-mamaneho. Pare-parehas nakakunot ang mga noo nila at naghihintay sa sagot ko.

"Gamutin na natin, maliit lang naman," si Thea

Sinimulan ko nang ikuwento ang nangyari kanina habang nililinis ang paso ko. "May nakabungguan kasi ako na lalaki nung palabas na 'ko. Kaso lang, may hawak na kape kaya ayun. Hindi kasi ako nakatingin sa daan dahil hinahanap ko 'yung panyo ko sa bag. Sakto naman na may nakabungguan ako."

"Hala sino 'yan? Wan't me to punch that, huh?" si Cindy na nakatingin sa'kin sa rear mirror.

"Sis lalaki 'yon. Sure ka susuntukin mo? Baka kunin mo lang number no'n eh!" Ash teased. Sumimangot naman si Cindy.

"Eh ano, nag-sorry naman ba?" si Cindy.

"Ah Oo. Actually he also offered to get his first aid kit but I refused. Baka matagalan pa 'ko lalo and besides, meron naman dito si Cin,"

Ilang saglit pa ay nakababa na kami sa basement ng condo ni Cindy. Pumunta agad kami ng elevator para maka-sakay. Pagkarating na pagkarating namin sa loob ng condo ay tumalon agad ako sa kama.

"Pagod na pagod, girl?" pang-aasar ni Cindy.

"Tsk!" saad ko sabay irap.

Hinanda na muna namin ang mga pantulog namin bago i-ayos ang snacks. I did also my skin care.

"So finallyyyy!" Cindy almost shouted. "After almost one year of stress, finally nakatapos na tayo ng 3rd year! Gosh, one year na lang and we'll graduate soon!"

"But wait, are sure you're going to graduate? Your fling is just on 3rd year next year. Iiwan mo?" Ash teased and we laughed.

Etong dalawang 'to talaga!

"Of course! Marami pang iba and besides, ang isip bata n'ya masyado! He gets jealous even with my boy classmates... eh we're not yet in a relationship. He's not even courting me so why the hell would I care about that stupid boy!" Cindy ranted. Affected na affected ah!

"Easy girl! Galit na galit ah!" dagdag ko pa na halos hindi maintindihan dahil sa lakas ng tawa ko.

"Wait. Why don't we talk about the persistent suitor of Thea? Hmm?" Cindy said that shifted the topic to Thea.

"Oh right! Hmm, do you have feelings for him? I heard he's been courting you for almost one year na," si Ash.

"Oo nga, among all your suitors, siya lang ang persistent after knowing your family," Cindy added.

"Uhm, actually... I like him. It's given that he has a good personality but... I heard that he has a girlfriend. So," Thea answered letting out a small laugh. "The situation is kinda complicated so... let's not talk about that," dagdag niya pa.

"Oh okay. Let's watch a movie kaya?" Ash suggested and we agreed. "You suggest a movie."

"I want a local movie, ha," si Thea

"What about 'Through Night and Day'? I haven't watch that, " I suggested.

"Game."

"Cin, make popcorns!" Ash requested.

"Okay,wait," Cindy said before going to the kitchen. Pinuntahan ko naman siya para matulungan.

Sandali lang naman at naluto na ang popcorn. Nilagyan namin ng cheese powder ang kalahati at barbeque powder naman yung isa.

"Done! Set-up mo na Thea!" agad naman sinet-up ni Thea ang TV at hinanap ang movie.

"Totoo kayang nakaka-iyak 'to? I've been curious of this movie, eh."

"I guess?" sagot ni Cindy.

Tahimik kaming nanonood habang kumakain ng snacks. Malapit na kami sa ending ng movie at talagang maganda nga 'to!

Lumingon ako at nakita kong umiiyak na pala kaming apat! Natapos na ang movie pero halos hindi pa kami maka-move on. Tinawanan namin ang isa't isa nang makita ang mga hitsura namin.

"Gosh! Nakakaiyak!" si Cindy na natatawa habang nagpupunas ng luha.

"Mas nakakaiyak 'yung 'di ka pinansin no'ng chinat mo sa telegram!" pang-aasar ni Ash. Binato naman siya ni Cindy ng unan.

"Inggit ka lang, sis. Madami kasi akong pogi na nakikita,"

Nagsimula silang magbagtuhan ng unan at kalaunan, sumali na rin kami ni Thea. Pagod at hinihingal kami nang matapos.

Tawang tawa kami sa mukha ni Cindy na siyang napuruhan. Nagmukha siyang bruha! Pabiro niya namang hinaltak ang buhok ni Ash na halos mamatay na kakatawa.

"H-Hey stop tha—HAHAHA" si Ash na hindi pa rin matapos kakatawa.

"Hey Trixie, you have your cam right? Let's take a picture in the balcony," Thea suggested.

Nauna kami ni Thea sa may balcony pero sumunod rin sila Ash at Cindy na katatapos lang magharutan.

I was capturing the mesmerizing beauty of the moon when Ash talk.

"So... saan tayo this vacation? I am thinking of swimming naman for this year, eh. Last year kasi we did hiking." Oo nga pala. Muntik nang mawala sa isip ko na ngayon pa-planuhin 'yon.

"Hmm let's go outside Cavite. Let's say Batangas?" si Thea

Batangas is a good place but... We've been there many times since nasa Tagaytay kami.

Aha! An idea popped on the mind. We can go to Laguna! Laguna hot springs!

"What about the hot springs in Laguna?" I suggested.

"Oh yes!"

"Omg! Laguna here we come!"

Wounded Heart (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon