Chapter 4

39 1 0
                                    

Chapter 4

My gosh! Why am I so clumsy?! Buti na lang nakita ako nung lalaki kanina. If not, I might scratch my knees, matulis pa naman yung bato.

Kahit pa medyo nakalayo na 'ko ay ramdam ko pa rin ang titig nung lalaki. Narinig ko pa nga ang ilang lalaki na lumapit sa kanya.

"Jake, dude who's that? Is she the girl that you're saying? The one you're courting?" someone asked him.

I didn't hear his answer anymore. I walk towards our hotel room to take a brief rest first or I might eat some snacks. Bubuksan ko na sana ang doorknob nang biglang sumulpot si Cindy at si Ash na nasa hotel room din pala namin.

"Trixie! Who's that man? 'Yung kausap mo kanina sa may bangka? Is he your suitor or what?" sunod-sunod na tanong nila Cindy na nakita pala ako.

"Hey! What's happening? Nag-cr lang ako saglit ah!" si Thea.

"Ah! Muntik kasi ako matalisod sa bato pagbaba ng bangka, buti nakita agad ako no'ng lalaki kaya nasalo niya 'ko," I explained.

"Shocks! So hindi mo 'yon kilala? Ang bait naman niya."

"Not just kind, but also handsome! What's his name Trix?" Cindy asked. Kahit kailan talaga, basta makakita ng pogi.

"Oh, I didn't get his name, sorry."

Nagsalubong ang kilay ni Cindy, "What? Trixie naman eh!" Nagmamaktol pa ang bruha!

I replied, "May nililigawan. Narinig kong sabi no'ng isang lalaki, napagkamalan pa nga na ako 'yung nililigawan eh."

"Oh, so he's courting someone. Sayang naman!" Tinawanan lang namin si Cindy. Kahit kailan talaga 'to. Sa aming magkakaibigan, siya ang may madaming 'crush' pero ayaw naman sagutin ang mga manliligaw niya.

Lumabas na muli kami sa hotel room at muling nagtampisaw sa hot spring. Ang sarap talaga dito. It's so relaxing.

Ilang sandali pa ay napansin kong malapit na ang sunset kaya pumasok muna ako saglit sa kuwarto para kuhanin ang DSLR ko.

Hindi naman nagtagal at nakita ko na ang unti-unting paglubog ng araw. I captured the sunset in different angles. Ang ganda! The alluring sunset plus the beautiful view of the spring made the photos perfect.

Natigil lang ang pagmamasid ko sa araw nang magsalita si Kuya, "Trixie, kain na muna tayo ng dinner. Gutom na rin ako." Oh right! "Sige, Kuya. Si Ate Jasmine nasaan?" I replied.

"Nasa kuwarto. Tatawagin ko lang saglit, doon na tayo magkita sa resto," Kuya said so I just nodded.

I change clothes first before going to the resto. Pagdating ko do'n ay handa na rin ang pagkain. Nang matapos kumain ay naglakad-lakad muna ako sa gilid ng sapa.

Hindi rin nagtagal ay gininaw na ako kaya pumasok na rin ako sa hotel room at natulog. Kinabukasan ay maaga kaming gumising dahil na rin may mga gagawin pa si Kuya at Ate Jasmine.

"Okay na ba? Wala ka nang nakalimutan?" I asked Cindy na siyang kasama ko sa room. "Yes, let's go na," she answered.

Mabilis na umusad ang mga araw. Halos katatapos lang ng pasok ay magpapasukan na ulit next week.

I'm planning to buy some supplies today since malapit na uli ang pasukan. I saw Kuya walking downstairs so I called him.

"Kuya!"

He glanced at me while raising a brow. "What?"

"May lakad ka ngayon? Can you accompany me to the bookstore? I need to buy some school materials, eh," I asked him. "Sure! By the way, your Ate Jasmine is inviting us for dinner. It's her mom's birthday today. Wanna come?" he asked.

"Really? Of course I'll go with you! Bumili na rin tayo ng gift for tita," I said while he get his car keys. "Let's go!"

Mabilis na lumipas ang mga araw at pasukan na agad bukas. Inihanda ko muna ang mga gagamitin ko bago ako natulog.

Kahit pa medyo puyat, buti na lang ay maaga pa rin akong nagising.

I'm so excited!

Today is the first day of school. I'm finally in my last year in college. Ihahatid daw ako ngayon ni Kuya dahil pupunta naman siya kay Ate Jasmine.

From: Cindy

Girl, sa school na tayo magkikita? Hindi na kita dadaanan?

To: Cindy

Yes, ihahatid daw ako ni kuya eh.

"Let's go, Trixie." Kuya get my things and went to the car.

"Kuya, are you also going to pick me up later? I might go out with my friends eh."

"Supposedly. But since you may lakad ka, I might just stay sa bahay ni Jas. Just call me kung pauwi ka na at susunduin kita," he answered with hands on the steering wheel.

Ilang saglit pa'y narating na namin ang school at bumaba na 'ko. "Bye Kuya, ingat!"

I walked to the library since nandoon daw sina Ash. "Hello, girls! What time first class nyo?" I asked as reached their seats.

"Mine will be in 15 minutes, I think we are in the same class," Cindy said with eyes looking for someone in the crowd.

"Oh that's great! Kayo Ash?"

"Ako mamaya pang 9am, si Thea 12:30pm."

Doon muna kami naghintay sa library dahil siguradong puno ang cafeteria.

"Gotcha!" Nagulat kami nang biglang nagsalita si Cindy. "Bakit, Cindy?" I asked her.

"Duh, nakakita na ako ng pogi," sabay turo sa lalaking maputi 'di kalayuan sa puwesto namin.

"Aga-aga ang harot mo Cin," kantyaw ni Thea. Kami naman ni Ash ay napatitig sa lalaki. Gwapo nga... pero parang nakita ko na siya. I'm not sure, baka nagkakamali lang ako.

"Of course! It's my last year here, 'no!"

After a few minutes, pumunta na kami ni Cindy sa class namin.

Mabilis natapos ang mga klase since first day pa lang naman. We decided to go to the cafeteria para kumain ng lunch. Nakita ko na naman ang tinitignang lalaki ni Cindy kanina. Para talagang nakita ko na siya.

Tinititigan ko siya na masayang kumakain kasama ang mga tropa niya yata. Ang cute nya! Anong year kaya siya?

Natigil ang pagtitig ko kay Mr. Cute nang pumitik si Ash sa harap ko, "Girl, may gwapo ba? Share ka naman! Kanina ka pa nakatulala jan."

Hala! Am I too obvious? Iniisip ko kung saan ko nakitang 'yong lalaki. Ah! Baka nakita ko siya no'ng pumunta kami sa Laguna. Oo, siya nga 'yun. Siya 'yong nakasalo sa'kin no'ng natalisod ako.

Nagtinginan din tuloy sa'kin si Thea at Cindy. "Ahh, nandoon yung tinitignan ni Cindy kanina na lalaki. He looks familiar, eh. Parang nakita ko na siya, but I'm not really sure," I giggled.

Natapos na kami kumain at pumunta na kami sa kanya kanyang klase. We have agreed na pupunta na lang kami ng mall mamaya at doon na magdinner.

To: Kuya

Kuya, I have dinner with my friends. I might go home around 8pm.

From: Kuya Zyrus

Okay, Trixie. Just text me if susunduin na kita. Nandito lang ako kila Jas, okay?

I texted Kuya while walking so I almost fall to the stairs if someone did not grab my hand. "Oh my gosh!" I almost yelled because of astonishment.

I looked up only to see that it was Mr. Cute who grabbed my hand.

Omg!

Mas cute siya sa malapitan. I think I need to use my charm now. I smiled to my thinking. Gosh, this is not the first time I almost got into an accident if someone didn't help me. This clumsiness!

"Tumingin ka sa dinadaanan mo."

Wounded Heart (Heart Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon