Chapter 3
Gaya nang napag-usapan ay sa isang hot spring sa Laguna nga ang magiging summer destination namin ngayon taon.
Mabilis lumilipas ang mga araw dahil wala naman akong gaanong ginagawa. Hindi ako kailangang pumunta sa office para pag-aralan ang takbo ng kompanya because Kuya Zyrus is the one to inherit the business. Kapag pumunta ako ro'n, tatanungin lang nila ako nang tatanungin kung kamusta ang grades ko at kung nag-aaral ako kahit bakasyon.
It's kinda unfair since I was the one who has the passion for our business. Kuya originally wanted to run his own business, but because he is to inherit the company, he now works as an engineer in our company. He doesn't really want to own company na hindi niya naman pinaghirapan. I understand his sentiments, but none of our cousins want to assume the position. They all want to prove that they can make their own name.
"Girl, excited na 'koooo!" masayang saad ni Cindy. Naka-video call kaming apat ngayon.
"Same! Actually I already bought some of the things we might need!" ani Thea.
"Hey, why don't we invite Kuya Zyrus and ate Jas? Oh wait, are they okay na?" Ash paused. "Uhm... I saw them last time eh. Mukhang LQ," she said carefully.
"Oh I think they are okay naman," I answered still thinking of Kuya and Ate Jas. "But yeah, sure, I'll ask Kuya maybe later," I added.
"Oh can we invite Ate Seah? You know her right? The daughter of Mayor Adolfo?" I asked them. Our families were in the same political party so I became friends with Ate Seah.
"Oh sure! The more, the merrier!"
Nagtuloy tuloy pa ang mga kuwentuhan namin para sa magiging outing. Nang matapos ang video call ay bumaba ako sa kusina para kumuha ng snacks at saktong baba rin ni Kuya.
Tinanong ko siya tungkol sa outing, "Kuya Zyrus, we are going to a hot spring in Laguna this Friday, wanna come? Bring Ate Jas, we miss her na."
"How long? I cannot come if that's for a week. Also your Ate Jas, we have many clients."
"No Kuya! It's just overnight since Cindy has an outing with her family after that," I explained. "Kuya, pleaseee!" I insisted him while pouting.
"Tsk, you're not cute!" Hmp! panira talaga si Kuya. "But yes, I'll inform your Ate Jas later."
"Oh great! Thanks Kuya!" He just smiled at me.
Agad naman akong umakyat sa kuwarto dala ang cookies na kinuha ko sa kusina. Sinabi ko agad sa grupo na sasama sila Kuya at Ate Jas.
To: Squad Girls
Pumayag na si Kuya! Sasama sila ni Ate Jas sa'tin sa Laguna. I'll ask Ate Seah na rin pala later.
Agad naman silang nagreply.
From: Cindy
Great! Sana sumama rin si Ate Seah so mas marami tayo.
Sana nga makasama siya eh. I heard from mommy that she's going to take summer classes.
Pagkatapos no'n ay nakatulog ako. Ang sarap ng tulog ko at alas cuatro na ng hapon nang ako'y magising.
Hindi muna ako agad bumaba. Panigurado ay wala rin namang tao dahil nasa office sila. Instead, I texted Ate Seah if she can come with us on our outing on Friday.
To: Ate Seah
Hello Ate! I will go on Laguna on Friday for an outing with my friends. Ate Jas and Kuya Zyrus will also be there. I was thinking if you could come with us? You know...school year end celebration.
After I sent my message, I checked if there are important messages. And since I have nothing to do for this day, I decided to pack my things for the outing.
I went inside my walk-in closet to pick some summer outfits. I will also bring swimwear and rashguards of course. I put everying inside my travel bag including the sun screen, bath essentials, and some other stuffs. After that, I saw a reply from Ate Seah
From: Ate Seah
Sorry, Trixie. I have my summer classes kasi eh. Maybe next time:) Enjoy!
Mabilis lumipas ang dalawang araw at Biyernes na ngayon. Maaga akong gumising at maagang nag-ayos ng sarili para mas maagang makarating sa Laguna. Hindi naman gano'n kahaba ang byahe pero mas maganda na ring mauna bago ang dagsa ng tao. Our driver said that it will only take around 2 hours to get there.
"Kuya," I knocked on Kuya's door. "Are you ready na?" I said as he opened the door. "Uhm, yes. Daanan na lang natin si Jasmine sa kanila."
"Okay, just tell it to our driver. Bring your stuffs to the van na."
To: Cindy
Cin, are you ready? Dadaanan muna namin si Ate Jas bago ikaw. Tell also Ash if paalis na rin sila.
Dalawang sasakyan ang gamit namin, ang isa ay kotse ni Ash at ang isa pa ay ang van namin.
Naging mabilis naman ang byahe. Wala pang dalawang oras ay nasa Laguna na kami. Agad naman kaming nagcheck in sa hotel room. Tatlong kwarto ang kinuha namin, isa para kila Kuya, isa kila Ash at Thea, at isa sa amin ni Cindy.
Pagkatapos mag check in ay pinasok namin ang mga gamit sa kwarto bago umpisahan mag-swimming.
"Ang sarap dito! It's so relaxing..." si Cindy na dinadama ang maligamgam na tubig.
Ilang saglit pa ay nagsimula na ang gaslawan namin sa tubig. Lahat kami ay marunong lumangoy kaya walang problema kahit pa maghabulan kami sa tubig.
Sinubukan din naming sumakay sa bangka. Ang saya doon at ramdam na ramdam ang ihip ng hangin. Mabilis nga lang natapos ang ride dahil maliit lang naman ang lawa. Nag-aasaran sila dahil natakot si Thea. Hindi ako nakisali dahil dinadama ko ang sariwang simoy ng hangin.
Hanggang sa pagbaba ay tuloy pa rin ang asaran na nauwi sa habulan. Nga lang, sa pagbaba ko naman ay natalisod ako sa isang bato.
Napapikit ako dahil sa inaasahang pagbagsak sa lupa ngunit napadilat ako nang wala akong naramdaman. Pagdilat ko ay nakita kong nasalo pala ako ng isang lalaki.
"Uhm... s-sorry po." Hala bakit ako nauutal. Tinanguan niya lang ako at tinanong kung may masakit ba sa'kin, "Nasugatan ka ba, miss?" umiling ako at nagpaalam na.
Ang lampa mo kasi, Trixie! Arghh!
![](https://img.wattpad.com/cover/236695198-288-k834948.jpg)
BINABASA MO ANG
Wounded Heart (Heart Series #1)
RomanceHEART SERIES #1 Childhood traumas. Fears. Lack of love. These are what Bellatrix Dixon, the only girl of one of the most influential families, carries throughout her existence. Darkness is how she sees her life. But... what if this darkness becomes...