Chapter 9
I did not get enough sleep last night yet I needed to wake up this early because of my morning classes. Bukod sa medyo masama pa ang pakiramdam ko, iniisip ko pa rin si Altair. Si Altair na naman. The thought of me slowly falling in love with him, a man I didn't know completely, kept bugging me. Hindi ko siya lubusang kilala at hindi rin kami ganoon ka-close but still, gustong gusto ko na alamin ang lahat ng tungkol sa kanya. Weird.
Kahit pa gulong gulo pa rin ako, minabuti ko nang simulan ang paghahanda. I wore a simple twinkle dress and white sneakers. Ito na lang ang sinuot ko since wash day naman at para hindi na rin ako magpapalit ng damit para sa practice mamaya. Speaking of, naalala ko tuloy 'yong isa pang promblema ko. Si Thea. We've been really good friends throughout college. And I don't want our families' past to cost our friendship.
Natigil lang ako sa mga iniisip ko nang tawagin na 'ko ng driver namin. Hindi na si kuya ang naghahatid sa'kin since busy siya ngayon. Ayaw ko na rin naman na sumabay pa kay Cindy dahil magkaiba na kami ng schedule.
I sat on the shotgun seat and checked my phone for important messages. I saw almost a hundred messages from our group chat. Maybe it's Ash and Thea teasing each other again. Hindi kasi ako nagbukas ng phone kanina dahil sa mga iniisip ko. Hindi tuloy ako updated.
Medyo na-traffic kami kaya kaunting minuto na lang ang natitira bago magsimula ang klase ko. Habang naglalakad papuntang classroom ay nakita ko si Altair na naglalakad ang tropa niya. Si Drei at Zach. Naipakilala nya na sa'kin ang mga tropa nya no'ng mga nakaraan na nagkikita kami. Nginitian nila ako at para bang nag-kakantyawan sila. Parang inaasar nila si Altair.
Just a few moments after I sat down on my chair, our professor arrived just to tell us that he have a meeting to attend to and he can't come to our class. Gumising ako ng maaga para sa klase nya tapos gano'n ang mangyayari?! Arghhh! Nakakainis. Sana natulog na lang ako.
Hindi pa rin ako maka-move on sa inis ko sa prof namin nang biglang tumunog ang phone ko. I think it's just Cindy or Ash. But when I check it, I was surprised that it wasn't them. It was Altair. I can't help but to smile.
From Altair:
Take medicine. Baka mabinat ka.
It was a very simple text yet it affects me so much. Siguro nga dapat hindi ko na itanggi sa sarili ko ang nararamdaman ko. I need to admit that I am slowly falling for him. It took be a few minutes before replying to his message. I was still smiling.
To Altair:
Noted. Thank you!
Na-isend ko na 'yon nang maalala ko 'yong jacket na pinahiram nya sa'kin. Nagtipa uli ako ng message para sabihin sa kanya na bukas ko na isasauli ang jacket nya.
To Altair:
By the way, I will bring the jacket you lent me last time tomorrow. Puntahan na lang kita sa room nyo.
Hindi nagtagal ay nagreply naman siya.
From Altair:
Okay. 11 am tomorrow if it's fine with you.
Napangiti na naman ako. Lunch time ko na naman ang 11 am kaya okay na okay sa'kin.
To Altair:
Okay. See you tom!
Hindi pa rin ako natigil sa pagngiti. Shit! Kinikilig ako sa walang dahilan. Baliw na ba ako?
"At bakit ngiting ngiti ka, Trixie?" The girls suddenly appeared. Muntik ko pa tuloy mabitawan ang phone ko dahil sa gulat.
BINABASA MO ANG
Wounded Heart (Heart Series #1)
RomanceHEART SERIES #1 Childhood traumas. Fears. Lack of love. These are what Bellatrix Dixon, the only girl of one of the most influential families, carries throughout her existence. Darkness is how she sees her life. But... what if this darkness becomes...