Dara's Pov
It's been a week since that day happened. As for now naging maayos naman ang mga nagdaang araw ko. Baka naging paranoid lang ako sa iniisip ko kay Professor Mendelev.
Masasabi kong magaling siyang magturo dahil naiintindihan agad namin ang mga lessons na tinuturo niya.
Nandito ako ngayon sa cafeteria dahil break time namin ngayon. Kanina dumaan pa ko sa library para magresearch tungkol sa assignment namin sa isang subject ko.
Wala naman kasi akong sapat na pera para makabili ng cellphone para sana magamit ko pangresearch.
Pagkatapos kung masagutan lahat ay nakaramdam na rin ako ng gutom kaya nagdesisyon akong magpunta sa cafeteria ng school.
Kaya heto ako ngayon nakapila para bumili. Nang ako na ang oorder ay sinabi ko na sa tindera ang bibilhin ko.
Isang vanilla cake at orange juice lang. Kinuha ko na ang tray na pinaglalagyan ng pagkain pagkatapos ay babalik na sana ako sa upuan ko nang sa di inaasahan ay may nakabangga nang pagkain ko dahilan para matapon ito.
Nabuhos sa damit ko ang juice habang nakadikit naman dito ang cake na unti unting nalaglag sa sahig.
Sh*t! Di ko na nga makakain yung pagkain ko namantsahan pa damit ko. Ang malas naman.
"D*mn! Sorry miss I didn't intend to bump on you!" natatarantang paumanhin nang nakabangga sakin ngunit mababakasan mo naman na sincere siya sa pagsosorry.
Kaya inangat ko ang paningin ko sa kanya at nginitian siya.
"okay lang sabi mo nga di mo naman sinasadya" nakangiting sabi ko sa kanya.
Wala namang problema yon. Nagsorry naman siya kaya okay lang kaso nga lang wala na kong damit pamalit.
Mukha namang nabunutan siya ng tinik sa sinabi ko. Nakakatawa kasi yung reaction nang mukha niya ang cute. Pero di maipagkakailang gwapo nga siya.
"I'm sorry again papalitan ko na lang yung pagkain mo and ako narin bahala sa uniform mo" nakangiti na ngayong sabi niya.
Agad ko naman ikinampay ang mga kamay ko sign na ayos lang kahit di niya na palitan pa yon.
"Okay lang, kahit wag na alam ko namang di mo sinasadya yon tsaka nag sorry ka naman na" sabi ko sa kanya.
"Sige kahit yang uniform mo na lang para naman mabawasan pagkaguilty ko." di pa rin paawat na sabi niya.
Napabuntong hininga na lang akong pumayag. Mukhang di naman na siya mapipigil eh. Tsaka mas okay na yon atleast di ako magkaklase na may mantsa ang uniform ko balak ko pa naman gawin iyon.
Nakita kong may tinawagan siya sa cellphone niya at nakangiting bumaling sa akin pagkatapos.
"By the way I'm Nathan Dominguez" pagpapakilala niya.
"Ako naman si Dara.....Dara Garcia" nakangiting pakilala ko sa kanya.
"Wow nice name kasing ganda mo" pambobola niya kaya naman napatawa ako.
"excuse me" napabaling naman ako sa babaeng kasunod ko sa pila. Di ko napansing nakaharang na pala ako sa pila kaya naman nakaramdam ako ng hiya at agaran akong humingi nang pasensya sa kanya at nagsimula nang maglakad paalis.
Nakita ko namang sumunod sa akin si Nathan.
"Wait Dara sama ako!" Napatingin naman ako sa kanya ng isigaw niya iyon. Maraming napatingin sa akin at ramdam ko ang masasamang tingin nila.
Ang gwapo naman kasi ng lalaking to kaya siguro maraming nagkakagusto sa kanya.
"eh? bat ka pa sasama?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...