Since that day happened nag-iba na ang trato sakin ni sir Mendelev.
Minsan kapag nagkaklase siya ay lagi ko siyang nahuhuling sumusulyap sa akin dahilan naman para mailang ako sa kanya.
Kapag uwian naman ay lagi siyang nagtatanong kung uuwi na daw ba ako.
Eh halata naman talagang pauwi na ako kapag mga oras na yon dahil may naghihintay pang trabaho sakin.
Eto na naman siya ngayon.
Parang gusto ko na lang tumakbo papalayo nang makita ko siyang kaswal na naglalakad papalapit sa akin.
Kaso nga lang kapag ginawa ko 'yon ay mahahalata niyang iniiwasan ko siya.
Habang papalapit siya sa akin ay unti-unti kong napagmasdan ang suot niya.
He looks hot with his white long sleeve polo with a plain black necktie and black slacks. He looks very formal. Kahit ano naman atang suotin niya ay babagay sa kanya. Wala ata sa bokabularyo niya ang salitang panget. Iniisip ko nga kung may araw ba na naging panget siya sa paningin ko.
Mukhang wala naman ata.
“You're going home now?” Tanong niya nang makalapit siya.
Hindi ba halata?
“Opo,” tipid na sagot ko sa kanya. Hindi ako makatingin nang diretso dahil naiilang pa rin ako sa kanya.
Gusto ko na talagang makauwi dahil nasu-suffocate ako kapag nasa malapit siya. Hindi ako komportableng kasama siya. Hanggang ngayon pa rin kasi ay naiilang ako sakanya.
Buong buhay ko ay wala pang nakahalik sakin...siya pa lang...and worst nagawa niya pang mahawakan ang dibdib ko..Feeling ko tuloy, isa na akong mababang babae.
Hindi ko maisip na may lalaki nang nakahawak sa parteng 'yun ng katawan ko. Dahil sa isip ko ang karapat dapat lang na lalaki na makagawa non sakin ay ang mahal at mapapangasawa ko.
Ginawa ko naman ang lahat para mapigilan siya pero hindi ko alam kung anong nangyari at hinayaan kong abusuhin niya ang katawan ko.
'Abusuhin? Sure ka diyan?' Kastigo ng sarili ko sa akin.
“You're frowning,” biglang sambit ng taong katabi ko. Parang bigla kong nakalimutan na may kasama pala ako dahil sa lalim ng iniisip ko.
Napakurap kurap ako nang marinig ang boses niya. At the same time ay nang maanalyze ko ang sinabi niya.
Shit! Di ko alam na nagrereflect na pala sa mukha ko ang nararamdaman ko.
“Sorry,” nakayukong anas ko.
“You don't want me?” Nababanaag ko ang dismaya sa reaksiyon niya.
“H-hindi gusto ko lang talagang makauwi na dahil baka malate ako sa trabaho ko.” Nauutal na sagot ko sa kanya. Hindi ko alam na naramdaman niya pala ang pagkaayaw ko sa kanya.
Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Naiilang lang talaga ako sa nangyari sa pagitan namin. Isa pa, professor ko siya at estudyante niya ako. Ano na lang ang iisipin ng ibang mga estudyante at guro rito kapag nakita kaming magkasama? Baka maissue pa kami at matanggal siya sa pagiging guro.
Napansin kong hindi pa rin siya sang-ayon sa sinabi ko kaya naman naguilty ako nang ganun pa rin ang reaksiyon niya.
“A-ano hindi naman sa ayaw kita...” tumigil muna ako sa pagsasalita ko nagiisip nang magandang mga salita na pwedeng sabihin.
“Ang totoo niyan talagang naiilang lang ako sayo kasi alam mo na...yung nangyari sa pagitan natin....ano kasi nahihiya ako,” nakayukong sambit ko. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang tapang ko nang sabihin ko 'yon. Bukod sa nakakahiya na, nakakailang pa.
Nanlaki ang mata ko nang nagawa niyang maiangat ang mukha ko mula sa pagkakayuko.
“S-sir” nauutal na napatingin ako sa kanya kasabay nang pag-atras ko kaso nga lang mabilis niyang nahawakan ang bewang ko at hinapit papalapit sa kanya.
Ngayon ay nanginginig ang mga kamay ko na nakalapat sa dibdib niya.
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hinila niya papalapit ang ulo ko at sinandal sa dibdib niya.
“Do you feel my heartbeat?” his husky voice filled all over my ears that sent shivers in my spine.
Kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ay higit pa roon ang naririnig ko. Parang mga kabayong handang makipagkarera para lang manalo sa isang kompetisyon. Napapikit ako dahil parang musika sa aking pandinig ang tibok ng puso niya.
“You're the only one that makes my heartbeat fast dara...tanging ikaw lang ang nakakagawa wala nang iba” napapikit ako sa mga salitang binitawan niya.
Just like a beautiful melody, his heartbeat became the reason why my body and mind feel at ease.
Napapikit ako sa kapanatagang nadarama. Kailan ba ako nakaramdam ng ganito? This isn't familiar to me.
Siya lang...Siya lang ang unang taong nagpadama sa akin nito. And I'm very thankful for that.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...