Dara's Pov
Pagkadating ko sa classroom ay naghintay pa kami ng mga ilang minuto bago dumating ang lecturer na magtuturo. Hindi pa si Dark dahil mamaya pa siya before break time.
"Good morning class i have a special announcement" pagkasabi palang non ng professor namin ay agad na nagsipagbulungan ang mga kaklase ko sa mga katabi nila kung ano ba iyon.
"Class quiet!" pagpapatigil sa kanila ni ma'am."okay here it is....first you have a new classmate" pagpapatuloy niya.
Transferee? Sabagay isang buwan pa lang naman ng magsimula ang klase.
Napatingin ako sa harap ng iminuwestra ni ma'am na pumasok na ang bago naming kaklase.
Napatingin ako sa kanya at namangha ako dahil sa kagandahan niya. Wow! Ngayon lang ako nakakita ng ganyan para siyang manika. Ang ganda ng pilik mata niya...napakahaba..tapos yung mga mata niya kulay green halatang may lahi..ang cute din ng lips niya manipis pero kissable lips..naku mukhang natotomboy na ako.
"HELLO EVERYONE MY NAME IS AIMEE CRUZ AND I'M 17 YEARS OLD TURNING 18 NEXT YEAR I CAME FROM TORONTO CANADA AND MOVE HERE IN PHILIPPINES AND MY MOTHER'S NAME IS CARA CRUZ AND MY FATHER'S NAME IS JACKSON CRUZ. THEY ARE HANDSOME AND BEAUTIFUL SO I CAME WITH A PERFECT GENES AND-"
"Uhmm Ms. Cruz you can seat now just pick where do you wanna seat" pagpuputol sa kanya ni ma'am kaya napatawa ako. Ang daldal niya hindi halata sa maamo niyang mukha.
Napatingin ako sa kanya ng ngumuso siya. Haysst ang kyut!
"Ok..please be nice to me and-"
"Ms cruz?" tawag ulit sa kanya ni ma'am. Aytss kulit!
"Sorry hehe" pagpapaumanhin niya at naghanap na ng mauupuan.
Nilibot niya ang tingin niya at nabigla ako ng ngumiti siya sa akin.
Eh?
"hi!! My name is Aimee Cruz and i'm 17 yea-"
"Uhmm kilala na kita hehe" unli ka teh? Paulit ulit eh.
"hehe sabi ko nga" kunwari ay nahihiyang sabi niya pero hindi ko naman makita sa mga mata niyang nahihiya siya.
"What's you're name?" tanong niya sa pangalan ko. Mukhang magugulo na ang tahimik na buhay ko dahil sa babaeng toh. Buti na lang maganda siya kung hindi naku!
"ahmm ako nga pala si Dara" pagpapakilala ko sa kanya.
"Hi Dara can you be my friend i really really like you parehas tayong maganda hehe" nagulat ako dahil gusto niya kong maging kaibigan. Halatang mayaman pa naman ito dahil sa kutis niya at in fairness ang bait niya.
Dahil mukha naman siyang mabait at harmless ay tumango ako sa kanya. Nagulat pa ako ng bumigla siyang napatili kaya nagsilingunan ang mga kaklase ko at si ma'am na may kausap ding co- professor niya. Kaya pala maiingay ang mga kaklase ko.
"Oh my gosh! Yes may best friend na akong kasing ganda ko!" napangiwi ako dahil napakahangin niya buti na lang totoo haha.
Ang kulit niya. Sana all happy go lucky.
"ok class sinabi ko nga kanina na may especial announcement ako aside sa may bago kayong kaklase ay magkakaroon kayo ng field trip next week. Don't worry about the expenses dahil sagot na ng university ang pamasahe so ang kailangan niyo lang dalhin ay ang mga gamit niyo at mga susuotin niyo dahil sa beach ang setting ng field trip niyo thats all" nagsigawan ang mga kaklase ko dahil sa narinig. Sari saring mga bulungan ang naririnig ko kaya parang nabibingi na ako sa mga boses nila.
"OMG! I SHOULD READY MY SWIMSUIT NA!"
"WHAT COLOR WILL YOU WEAR?!"
"TWO PIECE OR ONE PIECE?!"
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...