“I'm sorry”
Wala akong ibang maapuhap na mga salita kundi ang patuloy na paghingi ko ng tawad sa kanya.
I know that I was wrong when I chosed to hide our son. Maling-mali ako sa desisyon kong iyon. He deserves to know the truth. Pero mas pinili kong itago sa kanya ang anak namin.
Siguro nga karma ko na 'to sa pagiging makasarili ko. Pero ang hindi ko lang lubos na maisip ay bakit sa anak ko pa? Bakit sa kanya pa kung pwede namang sa akin na lang.
Kung ano mang mga masasakit na salita ang ibabato niya sa akin ay tatanggapin ko. May karapatan siyang magalit.
“Kukunin ko ang anak ko. He don't deserve to have an irresponsible mother like you.” Parang karayom na bigla na lamang tumusok sa dibdib ko ang mga salitang binitiwan niya.
Tanging pagluha na lamang at impit na paghikbi ang nagawa ko habang hinahayaan siya sa mga sinasabi niya.
Ang mas lalo pang nagpakirot ng puso ko ay ang isiping mawawalay na sa akin ang anak ko. At may posibilidad na hindi ko na siya makikita, kahit kailan.
Tinitigan ko ang anak kong mahimbing na natutulog sa hospital bed matapos makalabas si Dark.
Naisip ko na kung sa akin nga naman siya ay hindi ko mapupunan ang mga pangangailangan niya lalo na't may sakit siya.
Mas may kakayahan si Dark na mapagamot siya at gumaling dahil mayaman siya, maraming pera hindi katulad ko na isang hamak at mahirap na tao lamang.
Ayos na ako sa isiping hindi siya makararanas ng hirap, ayokong maranasan niya ang mga naranasan ko noong bata pa lamang ako. Alam ko rin na mamahalin siya ng ama niya at hindi pababayaan.
“Dara”
Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Maliit na ngiti ang ibinigay ko kay Aimee bago ulit pagmasdan ang anak ko.
“Nasaan si Fayzia?” maikling tanong ko.
“A-ahm, nasa daddy niya.” Kiming sagot niya.
“Sa tingin mo, tama ba ang naging desisyon ko? Hahayaan ko na ang anak ko sa ama niya. Nahihirapan akong nakikita siyang nasa ganitong kalagayan, pero wala naman akong magagawa. Wala akong sapat na kakayahan para maipagamot siya. Ni gastusan nga ang sarili ko ay hindi ko pa magawa. Sa tingin mo, napakasama't iresponsable ko bang ina dahil napabayaan ko ang anak ko?Siguro nga tama si Dark. Isa akong pabaya at iresponsable,” mahabang turan ko. Masakit para sa akin na makarinig ng ganung mga salita lalo na at nanggaling sa kanya. Sa nag-iisang taong minahal ko sa mga nakalipas na mga taon.
“Dara hindi ganun, para sa akin ay ikaw ang pinakamatapang at pinakamapagmahal na inang nakilala ko. Sadyang hindi lang talaga naten hawak ang nakatadhanang mangyari sa mga taong malalapit sa atin. Hindi mo naman ginusto na magkasakit si Light, hindi ba? 'Wag mo nang isipin ang mga sinabi niya, wala siyang alam sa mga hirap na dinanas mo nung pinagbubuntis mo pa lamang ang anak niyo.” Kinabig niya ako para sa isang mahigpit at mainit na yakap.
“Pinipilit ko namang 'wag na lang pansinin ang mga masasakit na sinabi niya pero kahit anong pilit ko, ang sakit-sakit pa rin. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing naiisip ko ang mga sinabi niya.” Umiiyak na sambit ko.
“Tahan na, magiging maayos din ang lahat.” Pagpapagaan niya sa loob ko habang marahang hinahaplos ang likod ko.
Nagulat kami nang bigla na lamang may pumasok na mga taong nakasuot ng medical suit habang kasunod nila si Dark na nananatiling blangko at malamig ang ekspresyon.
Napaawang nalang ang labi ko nang inilipat nila ang anak ko sa stretcher at handa na sanang dalhin sa labas nang humarang ako.
Parang binubundol sa labis na kabang nararamdaman ang dibdib ko.
“Saan niyo dadalhin ang anak ko?” Kinakabahan at nanginginig na tanong ko. Maging si Aimee ay hindi agad nakabawi dahil sa pagkabigla.
“Dadalhin ko siya sa ibang bansa para doon ipagamot. Do you have anything to say?” malamig na sambit ni Dark.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Gusto ko mang pigilan siya ay sa tingin ko siya ang nasa tama at wala akong magagawa.
“You can't do this to her. Hinding-hindi mo maiaalis na may karapatan din si Dara sa bata dahil siya ang ina nito!” Nanggigigil na saad ni Aimee.
“I don't care. Pinabayaan niya ang anak ko, at kung sana, inamin niya agad sa akin ang totoo ay hindi sana aabot sa ganito!”
Akma pa sanang susugod si Aimee nang ako na ang pumigil sa kanya. Hinang-hina man dahil sa sitwasyong meron kami ay nagawa ko pang pigilan siya.
“Tama na, please,” nanghihinang pagpigil ko sa kanya. Pagkatapos ay hinarap ko si Dark. Nagtitigan kami, mata sa mata. Hindi ko mabasa ang emosyong meron siya. Pero ang emosyon ko ay hinayaan ko na lamang na kumontrol sa akin.
“Huwag mo siyang pababayaan, 'yon na lamang ang tanging hihilingin ko sayo bilang inang nagsilang sa kanya. Mahalin mo sana siya at ibigay ang mga bagay na nararapat para sa kanya na hindi ko nagawang mapunan. At sa huli, sana mapatawad mo ako at mapatawad niya ako.” Pagkatapos non ay lumapit ako sa anak kong mahimbing ulit na natutulog at mahigpit na niyakap ito at ginawaran ng isang magaang halik sa noo nito.
“Mahal na mahal ka ni mama, patawarin mo ako.”
After I said those words ay nilisan ko na agad ang kwartong iyon. I can't bear to see my child being away from me. Hindi ko kaya.
Nakalabas ako ng ospital na walang ibang iniisip kundi ang pangungulila ko sa anak ko sa mga susunod na araw, buwan at taon. I hope that someday, when our paths crossed again, he will still remember me. The memories that I've made with him will still remain in his memories.
Gumaling lang siya ay masaya na ako. Kahit na...
Kahit na sa mga susunod na kabanata ng buhay niya ay wala na ako...
Masakit pero kailangan kong tanggapin dahil iyon ang makabubuti para sa lahat.
'Paalam'...
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...