“Who are you?”
Iyan agad ang mga salitang unang bumungad sa akin nang magising ako habang pababa sa hagdan.
Standing right in front of me is an old sophisticated woman. Marami siyang mga alahas sa katawan at nakasuot ng mamahaling damit.
Based on her appearance ay para lang siyang nasa 40s. I don't know kung tama ako pero kung sasabihin ko namang nasa 50s na siya ay malabo.
Masyadong bata ang itsura kumpara sa edad niya kung sakali.
“I'm asking you. What are you doing here? This is my son's property!” hindi ko maiwasang mapaigtad dahil sa nakakatakot na sigaw niya.
Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na ikinahiya ko. Based on her expression ay hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya.
May kung ano sa mga mata ng ginang na parang nandidiri siya——sa akin.
Dahil sa isiping iyon ay mas lalong nadagdagan ang hiya at kabang nararamdaman ko.
Posible bang—siya ang ina ni Dark?
“A-ah eh” wala akong maapuhap na salitang maibabato sa kanya. Masyado akong naiintimidate sa paraan ng pagtitig niya sa akin—nangmamaliit.
“If you're one of my son's whore, just leave this place. You don't belong here.” matalim ang mga salitang sabi niya sa akin. Hindi ko maiwasang masaktan.
“What the fuck is happening here?!” a voice from behind—Dark. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang dumating siya o hindi.
“Mom? What are you doing here?” tama nga ako. Siya ang ina ni Dark.
“Hindi ba't sayo ko dapat itinatanong iyan? What are you doing?” mariing sambit nito sa anak sabay baling sa akin.
Hindi naman ako tanga para hindi agad marealize kung anong punto niya. She's pertaining to me, halatang ayaw sa akin. Matapobre.
“Who's this girl?” parang gusto ko na lang lamunin ng sahig sa harapan nila.
“This is Dara, my girlfriend.” naramdaman ko ang mga braso ni Dark na biglang pumulupot ngayon sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kanya.
“Babe, she's my mom.” pagpapakilala naman sa akin ni Dark sa mama niya.
Awang naman ang mga labing napatitig sa amin ang mama niya. Hindi makapaniwala sa sinabi ng anak.
“Are you serious?” feeling ko ay may gusto pang idagdag na mga salita ang mama niya ngunit pinigilan na lamang nito ang sarili.
Nilingon ko si Dark at nakitang nakatiim bagang ito at seryoso ang tingin sa ina.
“I will talk to you later, mom. Ihahatid ko lang ang girlfriend ko sa kwarto.” hindi niya na hinintay pang makasagot ang mama niya at basta na lang akong hinila pabalik sa kwarto niya.
Nang makapasok ay marahan niya akong iginiya papaupo sa kama. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan na parang may malalim na iniisip.
Sinundan ko siya ng tingin na nagtungo sa walk in closet niya upang magpalit ng damit. Napaiwas ako ng tingin nang basta niya na lang hinubad ang mga damit na suot niya.
Hindi man lang nahiya!
“About your studies, you're already dropped.” para naman akong nabingi dahil sa sinabi niya.
“A-ano?” tanong ko. Umaasang mali lang ang pagkakarinig ng una.
“I won't repeat it anymore, malinaw ang pagkakasabi ko.” bigla na lamang akong nakaramdam ng galit dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...