Dara's Pov
It's been a week simula nang makipaghiwalay ako kay Dark. Isang linggo na rin mula nang huli ko siyang makita. And that is the day that we broke up.
Nakapagtataka lang na hindi na rin siya pumapasok bilang isang propesor sa university. Bali-balita ang biglaan niyang pagkawala at ang mga nakatataas lang ang may alam kung anuman ang dahilan niya.
“Dara, are you alright?” ngayon ko lang napansin si Aimee na katabi ko na pala.
Lutang naman akong napalingon sa kanya. Nagtatanong ang mga matang tumitig ako sa kanya dahil hindi ko masyadong nabigyang pansin ang tanong niya.
“Kanina ka pa kase nakatulala diyan. May problema ba?”
Speaking of problema, siya okay na ba siya?
“Eh ikaw? Okay ka ba?” balik tanong ko sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago mariing napapikit.
Nang magmulat ay malungkot siyang ngumiti sa akin.
“To be honest, I don't know what to do anymore, Dara” malungkot na saad niya.
Naaawang napatingin naman ako sa kanya.
Naisip ko lang, friendship goals ba ito? Bakit parang ang malas naman namin sa buhay?
Tumungo ako sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap. Gumanti naman siya ng yakap sa akin na para bang sa isa't isa kami kumukuha ng lakas.
“I know and I'm very sure na malalagpasan mo ang lahat ng ito. Ikaw pa ba?” pagpapagaan ko ng loob sa kanya habang marahang hinahaplos ang likod niya.
“Natatakot ako, Dara. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang batang nasa sinapupunan ko. Natatakot ako na baka malaman 'to ni kuya at may gawin siyang masama sa sanggol na nasa tiyan ko.” umiiyak at natatakot na sabi niya.
“Hindi naman siguro niya gagawin kung anong iniisip mo. Anak din naman niya iyan eh” sabi ko sa kanya na hindi niya sinang-ayunan.
“Hindi mo alam ang ugali ni kuya. Iba siya, Dara. Ibang-iba siya.” kontra niya sa sinabi ko.
Napahinga ako ng malalim.
“Balak kong magpakalayo-layo. Malayo dito, at mas lalong malayo kay kuya.” amin niya sa akin matapos humiwalay sa matagalang yakap sa isa't isa.
Naguguluhan naman akong napatingin sa kanya.
“Pero...saan ka pupunta? May matutuluyan ka na ba?” umiwas siya ng tingin.
“I think that's not a good idea, Aimee. Paano kung may mangyaring masama sa inyo ng baby mo?”
“Dara makinig ka, hindi ko hahayaan iyon. Poprotektahan ko ang baby ko sa kahit na sinong tao, lalong lalo na sa ama niya.” hinaplos niya ang di pa kalakihang tiyan.
“Mas manganganib ako at ang batang dinadala ko kung nasa puder kami ni kuya” dagdag pa niya.
“So anong plano mo?”
“Hindi ko na tatapusin ang 1st semester naten. Aalis na ako kaagad bago pa matapos ang klase.” hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. “And I want you to help me, Dara.” naguguluhan naman akong napatitig sa kanya.
“Paano?”
“I know marami kang kakilala sa pinagtatrabahuan mo, And I want you to help me find a perfect place kung saan kami pwedeng makapagtago ng baby ko. Yung hindi mahahanap ni kuya.”
“Ikaw lang kase ang alam kong makakatulong sa akin dahil ikaw lang naman ang kaibigan ko” malungkot pang dagdag niya.
Ngumiti naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...