“Siguro naman, alam mo na kung saan ka dapat lumugar.” Panimulang sabi niya nang kaming dalawa na lang ang naiwan. He eyed me darkly before he speak again.
“Don't assume too much. Di porket pinagbigyan kita sa gusto mo ay ganun na lang ulit kadali sa mga susunod pa.” Lumakad siya papalapit sa akin na ikinaatras ko.
“If you're thinking that I'm still the Dark that you used to know before, then better think again hmm?...” Hinaplos niya ang pisngi ko. “Behave, if you don't want to see the beast on me.” After he said that ay binaba na rin niya ang kamay niya mula sa paghaplos sa mukha ko at umalis.
Nanghihinang napaupo ako sa sofa nang makaalis siya. Hindi ko mapigilan ang pangangatog ng mga tuhod ko dahil sa pagiging malapit niya sa akin kanina. Buti na lang hindi ako tuluyang natumba habang kaharap siya. Napabuntong hininga ako.
'Ayos lang 'yan Dara, balang araw ay magiging maayos din ang lahat' pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko.
“Is it true that you are my new nanny?” Nagulat ako sa isang boses ng bata sa may gilid ko.
Napalingon ako sa kanya at halos maluha ako ng matitigan siya. Talagang magkamukha sila ng ama niya. Napanguso ako. Unfair.
Tumikhim muna ako bago magsalita.
“Hello baby, ahmm ako nga, I'm y-your new n-nanny.” Nais kong mapanguso dahil sa ginawa kong pagpapakilala sa anak ko.
Gusto ko mang sabihin na ako ang totoong nanay niya ay pinigilan ko ang sarili ko. Malalagot ako sa ama niya.
“Why?” Matalim ang matang nakatingin siya sa akin. Parehas silang tumingin ng ama niya.
“I don't like you!” Lukot ang mukhang bulalas niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil sa sinabi ng anak ko.
“B-bakit naman?” Nauutal na tanong ko.
“You're ugly, mama Cassidy is much more beautiful than you.” Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na mas maganda sa akin ang babaeng 'yon. Ganun na ba talaga ako kapanget na pati anak ko ay napapansin iyon?
Magsasalita pa sana ako nang tumakbo na ito paakyat sa hagdan. Gusto ko pa sana siyang sundan dahil baka madisgrasya siya pero mukhang kaya naman niya. Naku! Mukhang mahihirapan akong makuha ang loob ng anak ko.
Kasalukuyan akong naghahanda ng pagkain ng mag-ama. Tanghali na pala kanina kaya nagmadali akong magluto. Pinakialaman ko na ang kusina at kung ano na lang ang available sa ref ay 'yon na ang niluto ko.
Puno ang laman ng ref nila kaya hindi na ako nahirapan sa lulutuin. Sinigang na hipon at adobong manok. Bahala na sila kung anong gusto nila sa dalawa.
Habang naglalagay ng mga pinggan at kutsara sa lamesa ay natanaw ko ang dalawa habang pababa ng hagdan. Buhat ni Dark ang anak namin habang nag-uusap silang dalawa.
Ang ganda nilang pagmasdan dalawa. Kung may cellphone lang akong hawak ay kanina ko pa sila napicturan.
“Daddy, when will I go to school?” tanong ng anak niya.
“Soon baby, daddy's still fixing some requirements needed so that you can go to school.” Sagot naman ni Dark.
“I'm super excited, daddy!” Masayang sabi ng anak namin.
“Of course, daddy's excited for you too.” Nakangiting sabi ni Dark at hinalikan ang anak sa noo. Parang natunaw naman ang puso ko sa simpleng gesture niyang iyon sa anak namin. I can see how he love our child. Hindi man naging maganda ang kinahinatnan namin, masaya pa rin akong nakikita kung gaano niya kamahal si Light.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...