Chapter 17

2.9K 73 5
                                    

Dara's Pov

Nagtataka man sa ikinilos ni Aimee ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Ayokong lumapit kay Dark at baka may makahalata. Huwag lang sana siyang gumawa ng kahit na anong kalokohan at lagot talaga siya sa akin.

Ramdam ko ang paninitig niya sa akin ngunit hindi ko na lamang pinansin. Sa halip ay inirapan ko na lang siya na kinangisi niya. Baliw talaga.

Pagkarating sa kainan ay naupo na ako sa pinakadulong hanay ng mga upuan. Mas gusto ko dito dahil hindi ako agad agad mapapansin. Kung nandito lang sana si Aimee may kausap sana ako.

“Hi” napaangat ako ng tingin nang may nagsalita sa harap ko.

Isang nakangiting lalaki ang bumungad sa akin. Mukha naman siyang harmless at bukod pa doon ay kitang kita ko ang malalalim na biloy na nasa kanyang magkabilang pisngi. Ang gwapo!

“Miss? Pwedeng makiupo? Puno na kasi yung ibang mga lamesa and this is the only one that uhmm you know may space.” parang nahihiyang aniya. Napapakamot pa sa kanyang batok.

“S—” Papayag na sana ako kaso lang may bigla na namang umepal. Ramdam mo ang diin sa bawat salita niya.

“Of course you can't, that's my property” diin niya pa sa salitang student habang masamang nakatingin sa akin. Problema nito? Pansin ko lang na hindi niya na kasama yung lalaki kanina.

Tinuro niya pa kung saan siya nakaupo kanina. Napapakamot namang sumunod ang lalaki sa gusto niya. Hanggang makaalis ang lalaki ay masama pa rin ang tingin niya sa akin at nakatiim bagang pa.

“What.was.that?!” pasinghal at madiing bulong niya. Tama lang para kaming dalawa ang makarinig.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga tinginan niya.

“Look at me! Huwag kang sa iba-iba tumitingin at lagot ka talaga sakin!” umupo siya sa harap ko pagkatapos sabihin iyon. Napalunok pa ako dahil ramdam kong galit siya.

“U—”napahinga ako ng malalim nang putulin na naman niya ang sasabihin ko.

“Shut up! I don't want to hear your explanation!” galit na saad pa niya.

Hindi ko siya maintindihan.Tinatanong ako pero ayaw marinig ang explanation ko. Ang hirap niyang intindihin sa totoo lang.

Imbes na pansinin pa siya ay pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang pagkain ko. Kanina pa ko nagugutom at hindi ko na talaga kaya kapag di pa ko makakakain.

Seryoso lang siyang nakatingin sakin at para bang pati loob ng pagkatao ko ay hinahalukay niya.

“Di ka pa ba kakain?” tanong ko sa kanya ngunit inirapan niya lang ako na kinakunot ng noo ko. Muntik pa akong matawa dahil di ko inakala na magagawa niyang irapan ako. Pero dahil busangot at mukhang galit siya ay di ko na lang ginawa. Baka lalong topakin.

“Tsk! Be fast! We have something to do later! Di ko pa nalilimutan ang ginawa mo kanina!” napalunok ako at napaisip. Ano naman ang gagawin namin? Sa isiping iyon ay parang biglang nag init ang buong katawan ko at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.Yumuko na lang ako upang hindi niya mapansin.

After the breakfast ay basta basta na lang niya akong hinila palayo doon.Buti na lang walang nakapansin sa amin.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nang maalala kong ito ang daan papunta sa kwarto niya ay bigla akong kinabahan.

“D-dark anong gagawin natin d-dito?” nauutal na tanong ko. Mas lalo akong kinabahan nang nginisihan niya lang ako.

Pilit kung hinihila ang ang kamay ko sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo niya lang itong hinigpitan.

Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon