Dara's Pov
“Huy! Okay ka lang?” Aimee asked habang ang isip ko naman ay kung saan-saan na nakakarating.
I was suddenly back at my reverie when I heard her voice.
Nandito nga pala kami sa school ngayon.It's monday so balik pag-aaral na naman.
I don't know pero habang patagal ng patagal ang araw ay napapansin ko ang mga pagbabago kay Dark.
Parang mas tumindi ang pagkaseloso niya at ang pagka-control freak simula nang maging kami.
'You're not allowed to go anywhere unless you're with me or with my fucking permission' mariing sabi niya sa akin.
That day ay nagpapaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako kasama si Aimee. And he asked me where pero di ko naman masabi dahil ang sabi ni Aimee ay wag na wag ko daw sasabihin kay Dark. Panigurado daw kasing malalaman agad ito ng kapatid niya.Which is matalik na kaibigan ni Dark.
Dahil di ko nga masabi ay di ako pinayagan. Sa totoo lang ay nag-aya si Aimee na magbar kami. Ayaw ko pa sana nung una kasi di naman ako sanay at di talaga ako nagpupunta sa mga ganung lugar kaso habang pinagmamasdan ko si Aimee ay parang kailangan niya talagang maglibang kaya napapayag ako.Ang kaso ito nga di ako pinayagan ni Dark.
“O-okay lang, may iniisip lang” malumanay na sagot ko sa kanya.
Napalingon ako sa kanya nang hawakan niya ang kaliwang balikat ko.
“You know what Dara, kung may problema ka, you can tell it to me. Papakinggan rin naman kita kase sino pa bang magdadamayan kundi tayong mga magaganda lang” sabi niya kasabay nang pagtawa niya na di umabot sa mga mata niya. Napahinga naman ako ng malalim.
“Oh mga ineng, bakit nandito pa kayo? Kanina pa nagsisimula ang klase” doon lang nagsink in lahat samen nang marinig namin ang boses ni Nay Andeng, siya ang tumatayong janitress ng unibersidad.
“Oh shit! Oo nga pala! Come on Dara bago pa tayo matalakan ni Tandang Tupiasan!” tukoy ni Aimee sa matandang propesor namin na akala mo ay laging menopause.
Sabay pa kaming napahinga ng malalim ni Aimee nang di namin naabutan si Ma'am Tupiasan. Panigurado kaseng tatalakan kami nun. Ewan, pero pansin kong mainit ang dugo niya samen. Palibhasa matandang dalaga.
Makalipas ang ilang minuto ay natanaw na rin namin si ma'am na papasok sa room.
“Okay class, good morning. And let's start the discussion. Sorry if I'm late but anyways, I'm going to discuss blah blah blah.” Hindi ko na masyadong pinakinggan si ma'am dahil hinihila na ako ng antok. Mabuti na lang at tinapik ako ni Aimee kaya di ako tuluyang nakatulog.
“Huy, 'wag kang matutulog, baka mahuli ka ni Ma'am.” bulong niya saken.
“Sorry, di ko kase mapigilan, napuyat kase ako kagabi.” pagkasabi ko non ay bumaling ako sa kanya at kita sa mukha niya paglalagay ng malisya sa sinabi ko.
“Huy! Mali ang iniisip mo!” agarang sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya habang nakangisi at itinuon na ang atensyon sa aming propesor. Haysst, babaeng to talaga!
Natapos ang klase na puro discuss lang si Ma'am. At sa buong durasyon ng kanyang pagtuturo ay wala man lang kahit kaunting salita o ideya ang pumasok sa isip ko. Marahil ay bukod sa antok na nga ako, may iba pa akong bagay na iniisip.
“Dara sama ka sakin! Dali!” biglang aya sakin ni Aimee at hinila niya ako papunta sa may likod ng university. Patakbo kaming naglalakad habang hila-hila niya ako.
“Uyy, saan ba kase tayo pupunta at ba't ang bilis nating maglakad?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
Di niya ako pinansin at patuloy lang siya sa paghila sa akin. Buti na lang patag at puro damo lang ang nandito kung hindi ay baka napatid na kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...