Chapter 9

4.4K 71 5
                                    

Dara's Pov

Sabado ngayon ibig sabihin wala munang pasukan kaya naman todo linis ako sa apartment ko. Tutal mamayang gabi pa naman ang pasok ko sa trabaho.

Minsan lang ako makapaglinis dahil lagi naman akong busy.Tuwing weekdays di ko na nagagawang makapaglinis dahil may pasok ako sa umaga...may pasok rin ako sa gabi kaya ang labas....pagod! At minsan nakakatulog rin ako ng maaga dahil sa pagod.

Naalala ko bigla ang nangyari sa amin ni sir kahapon. Hindi ko alam pero parang ang sarap lang sa pakiramdam ng mga sinabi niya.

Yung pagkailang na nararamdaman ko? Pakiramdam ko unti unti nang natutunaw at napapalitan ng pakiramdam na hindi ko rin maipaliwanag...

'You make my heartbeat fast, Dara' paulit ulit na nageecho yan sa pandinig ko hanggang ngayon.

Hindi ko alam pero sa tuwing naririnig ko yan ay parang tambol naman ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito.

Para bang nagcecelebrate pagkatapos makarinig ng magandang salita.

Inaamin ko na si sir lang din ang nakapagparamdam ng iba't ibang emosyon sa akin.

Nakaramdam man ako sa kanya ng pagkakaba at takot napalitan naman yun ngayon ng kasiyahan ngunit may kaakibat na kalituhan.

Kalituhan sa mga bagay na bago lang sa aking pakiramdam. Mga emosyong hindi ko lubos na maipaliwanag...

Ano bang ginawa ni sir sa akin at bakit ako nakakaramdam ng ganito...

Yung pakiramdam na nasa ulap ka dahil sa gaan ng loob mo. Pwede ring nasa paraiso ka at masaya dahil sa magagandang tanawing nakikita mo.

Haysst sana ganito na lang palagi...

Tok! Tok! Tok!

Napabalik ako sa ulirat nang maring ko ang sunod sunod na pagkatok sa pintuan.

Nagtaka ako dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon.

At hindi rin ako naniniwalang may bisita ako dahil wala naman akong ibang kaibigan at kakilala bukod sa landlady at kay Nathan na sigurado akong hindi naman alam kung saan ako nakatira.

Kaya mas pinaburan ko ang una kong hinuha. Baka nga ang landlady iyon at maniningil na ng upa para sa buwang ito.

Dali dali akong tumayo upang pagbuksan ito..hindi na nag-abalang punasan pa ang pawis sa mukha na unti unting tumutulo pababa sa leeg ko.

“Sandali lang po ayan na—” naputol ang dapat na sasabihin ko nang pagkabukas ko ay nabungaran ang isang matikas na lalaki na may ngiting nakapaskil sa mukha at nakasuot ng isang black tshirt na hapit na hapit sa katawan kaya naman kitang kita ko ang namumutok na muscles sa braso at ang bakat ding abs niya at kung tama ang bilang ko ay nasa walo ito (8 pack abs) pinaresan niya ito ng isang itim ding pantalon na bagay na bagay sa kanya dahil sa mahahabang biyas niya.

Parang isang modelo ang ngayo'y lalaking nasa harapan ko.

Kaya naman ang halos katabi kong mga nangungupahan din sa apartment ay tulo-laway dahil sa magandang view na nakikita nila ngayon.

Mapamatanda man at mga dalaga.

Sa naisip ay nabura ang pagkamanghang nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang siyang itago at huwag nang ipakita sa mga tao.

“Hey beautiful,” bati niya sa akin.

Napakurap ako nang marinig ang sinabi niya. Para namang nabingi ako dahil gusto ko pang ipaulit kung ano ba ang sinabi niya. Para makasigurado ako kung tama ba ang pagkarinig ko.

“Ano ulit?” pagpapaulit ko sa kanya.

Napakamot siya sa batok niya.

“hindi mo ba muna ako papapasukin sa loob ng apartment mo?” Doon naman ako napatitig sa kanya.

Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon