Dara's Pov
Sa sobrang pagod ko kagabi ay nakatulog talaga ako nang mahimbing. Kaya pagkagising ko kinabukasan ay maaga akong nagluto upang makagayak papuntang eskwela.
Naalala ko na hindi pala ako nakapag-quiz sa subject ni sir mendelev kaya naman nag-iisip ako kung anong pwedeng gawing excuse para pumayag siyang bigyan ako ng special quiz.
Dali dali akong naligo pagkatapos ay kumain.Matapos magaws ng lahat ng morning ritual ko ay naghanda na ako upang pumuntang eskwela.
Wearing our school uniform that is above the knee didn't feel comfortable for me.Nasanay na kasi ako na mahahaba ang mga sinusuot ko nong nasa ampunan pa lamang ako.Kaya naman medyo nakakapanibago narin ngayong nag-aaral ako.
Pagkadating kong school ay wala pang masyadong estudyanteng nagsisidatingan kaya naman tumambay muna ako sa may garden dahil mukhang maaga pa naman.
Umupo ako sa isang puno na may nakausling mga ugat.Hayst ang sarap tumambay dito ngayon dahil napakatahimik ng lugar. Nakakaramdam ako ng kapayapaan.
Hearing the birds chirping makes me calm. Ang ganda lang kasi sa pandinig tapos yung sariwang hangin ang sarap lang din langhapin.
Hayst kung sana ganito na lang ang buhay.
Hindi ko namalayan ang oras kaya naman nung narinig kong tumunog na ang bell ay dali dali na akong tumakbo para pumasok sa unang klase ko.
Saktong pagdating ko ay wala pa lecturer namin kaya naman kinalma ko muna ang sarili ko galing sa mabilisang pagtakbo. Feeling ko nga runner na ako eh.
Siguro mga ilang minuto pa bago dumating si Ma'am Punzalan kaya naman niready ko na ang notebook ko para magtake note ng mga importanteng salita na ididiscuss niya.
Blah blah blah blah blah.
Natapos si ma'am na puro pagti-takenote lang ang ginawa ko.
Sumunod ulit na dumating ang isa pang lecturer pero ang nasa isip ko ay tungkol parin sa special quiz na hihingin ko kay sir mendelev. Sana naman pagbigyan niya ako.
Natapos magturo ang gurong yon na hindi ko maintindihan ang tinuturo niya dahil okupado parin ang utak ko tungkol sa special quiz.
Hindi ko alam kung ba't ako nabobother pero kasi magkulang ka lang nang isang importanteng activity sa subject mo ay malaki narin ang bawas non sa grado mo lalo na't yung subject na tinuturo niya ay isa ring major subject.
Ngayon na ang oras na magtuturo samin si sir kaya naman abot langit ang dasal ko na sana mabigyan ako nang special quiz.Kung ba't ko naman kasi nakalimutan na may isang subject pa ako kahapon.
Saktong dumating si sir ay nagsitayuan na ang mga kaklase ko kaya naman nakigaya na rin ako.
"Good morning sir" pagbati namin ngunit di man lang bumati pabalik.Mukhang badtrip ngayon si sir pano pa ko niyan hihingi ng special quiz.
Pagkalapag niya ng librong dala niya sa lamesa ay iginala agad niya ang paningin niya saktong tumigil iyon sa akin kaya naman napalunok ako.
Ang sama kasi nang pagkakatitig niya.
"Why are you here in my class?I thought ayaw mong pumasok sa klase ko kaya ka nagditch kahapon with your FRIEND?" pinagdiinan niya pa yung salitang friend habang masama pa ring nakatitig sa akin.
Napatingin naman ako sa mga kaklase kong nabaling na ang atensyon sa akin kaya naman namumula akong napayuko.
"S-sorry po sir may balak naman po kasi akong pumasok sa klase niyo kaso nga lang po ay di ko namalayan ang oras...pasensya na po talaga" hinging paumanhin ko sa kanya habang nakayuko.
BINABASA MO ANG
Obsession Series 1: My Professor's Obsession (On-going)
RomanceDara Garcia is known for her intelligence and grace. But behind closed doors, she faces a different reality as she becomes the object of her professor's obsession. Despite her attempts to resist, she finds herself trapped in a terrifying cycle of a...